Lunes, Setyembre 26, 2022

Movie Title : Thor Love and Thunder - Tagalog Movie Scripts

sa isang relihiyosong tao natin sisimulan ang kwento , 

si Gorr , isang mananampalatayang tunay ng dios ang minsan humiling sa kanyang sinasambang si Rapu , 

, taimtim at taos puso syang nagtitiwala sa kanyang panginoon , hiniling nito na pagalingin sa malubhang karamdaman ang kanyang anak . 

sa kabila ng mga pagdurusa at pasakit na nararanasan ni Gorr ay hindi ito nawalan ng pananalig sa kanyang dios , buong pusong nagtitiwala si Gorr kay Rapu kung kaya matyaga itong naghintay sa gitna ng banal na disyerto upang sambahin ang dios, 

sa kabila ng lahat ng ito ay hindi pinakinggan si Gorr sa kanyang mga panalangin , nasawi ang kanyang pinaka mamahal na anak . 

maging sa libingan nito ay niyayakap yakap pa rin ni Gorr ang kanyang anak . 

habang nasa kawalan ng pag iisip si Gorr ay nakarinig ito ng boses , nilapitan nya ito hanggang sa makarating sya isang masukal na kagubatan , 

napawi ang lahat pagkatuyot nya ng makalangoy sya sa isang tubig , habang gumagapang si Gorr ay nakahawak ito ng matalim na naging dahilan para masugat ang kamay nito , nakakita sya ng mga prutas at agad nya itong nilantakan , 

habang gutom na gutom syang  kumakain ay nakita nya si Rapu, 

nagpatirapa ito sa paanan ng dios , 

nagpakilala ito sa kanyang pangalan at ipinahayag ang kanyang pagkilala sa dios , 

sinabi nitong sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan nito , ni minsan ay hindi nya kinalimutan ang sumamba sa panginoon , 

datapwat binato sya ni Rapu at sinabing isa lang syang Aso sa paningin nito at kung inaasahan nitong gagantimpalaan sya ni Rapu ay nagkakamali ito , sinabi nitong walang puwang ang buhay ni Gorr at kaya sila nagsi celebrate ay dahil nakapatay na nila ang ang nagmamay ari ng Necrosword , at hindi ang inaakala ni Gorr na pagbibigay sa kanya ng eternal reward. 

dahil sa galit ni Gorr ay binawi nito ang pananampalataya nya sa dios na si Rapu , 

nagalit naman ang dios sa ginawa ni Gorr kung kaya sinakal sya nito , 

bago pa man mapaslang ni Rapu si Gorr ay nasaksak na ito ni Gorr sa leeg gamit ang Necrosword. 


at magmula noon ay ipinangako na ni Gorr na papaslangin nya ang lahat ng gods at bubuksan ang bifrost upang makarating sa eternity . 


isa na namang napakagandang pelikula ang ating pag uusapan ngayon mga kaibigan ,

ang titulo ng pelikulang ito ay THOR LOVE AND THUNDER , 

muli kaibigan ako si Richard Belen and Welcome sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , 

simulan na natin .. 

Si Thor ay namuhay na kasama ang Guardians of the Galaxy at sumasama ito sa pakikipag laban sa mga quest ng kanyang mga kasama , 

ang kapangyarihan ni Thor ay lubhang mas malakas kumpara sa mga guardians kung kaya madalas ay pinapanood lang nito ang mga kasama sa kanilang pakikipag digma , 

sumasali lamang ito sa sitwasyon na hiningi ng kanyang mga kasama ang kanyang tulong , 

katulad na lamang sa pagpigil ng  isang alien invasion sa isang planeta na kung saan nahirapan sina Quill kung kaya ipinakiusap nito na tulungan sila ng Demi-God na si Thor . 

sa pagtulong ni Thor ay agad na nalipol ang mga kalaban ng walang kahirap hirap , 

nagpasalamat si King Yakan sa serbisyo ng god of thunder kung kaya niregaluhan nila ito ng dalawang maingay na kambing . 

nahirapan naman sila sa ingay nito kung kaya isinagest ng isa na itapon nalang nila ito ngunit sinabi ni Thor na importante sa kanya ang dalawang hayop na yun dahil iyon ay regalo sa kanya .

habang sila ay nagtatalo talo sa kung papano ang gagawin sa dalawang kambing ay naka sagap ng tawag sa guardians of galaxy ang maraming planeta na iisa ang daing , 

na sila ay inatake ng isang mandirigma na ang pangalan ay God Butcher . 

nagpasya ang team na maghiwa-hiwalay upang ma ocupa nila ang lahat ng tawag , 

ipinagpasya ni Thor na puntahan ang planeta ni Sif , isang dating kaibigan ni Thor , 

isinama ng dalawa ang dalawang kambing , at pumunta sila sa planeta ni Sif.

doon ay naabutan nila ang goddess na putol ang isang kamay , sinubukan ni Thor na tulungan ito ngunit tumanggi ito na tulungan sya at sinabing hayaan sya ni Thor na mamatay sa battlefield upang makapunta sya sa Valhalla , ngunit sinabi ni Thor na hindi ito makakapasok sa valhalla kung mamatay ito sa gutom at uhaw , ang nakakapasok lamang doon ay ang namatay mismo sa battlefield .

ng marinig ito ni Sif ay nagbago ang isip nito at sinabing ang God Butcher ay nasa Earth . 

gamit ang bifrost ay nakarating sila sa earth . 


sa kanilang pagdating sa planeta ng mundo ay nag uumpisa na ang masibsibang labanan ng mga asgardian laban sa shadow manipulator na si Gorr . 

habang nakikipaglaban si Thor na mahusay ay napansin nyang may gumagamit ng Mjolnir niya . 

nakita nya ang gumagamit nito at napansin nyang kamukhang kamukha ng kanyang kasuotan ang ginagamit nito . 

inutusan ni Thor na tanggalin nito ang maskara at dito ay nakita ng ating bida ang dati nyang kasintahan na si Jane na sya pala ngayog gumagamit ng Mjolnir ni Thor. 

napaka ganda ng ngiti ang ibinigay ni Jane kay Thor , gulat na gulat naman ang ating bida sa pagkakita sa dating nobya , 

nakita ni Thor ang god-butcher mula sa malayo , sibukan itong lapitan ni Thor , ng makalapit ay inatake nya ito ng kanyang pamatok ngunit bigla itong nawala , 

inatake sya nito mula sa likuran , bagsak si Thor , sa muling pagtayo ng ating biday ay muli nya itong inatake at naging matagumpay ang tira nya , nasapol ito ni Thor , susundan sana ni Thor ng follow strike ang kalaban ngunit nakapag teleport ito at sya ang naatake nito , natakot si Thor ng makita ang Necrosword na hawak ni Gorr, 

natuwa naman ang god-butcher ng mapag alaman na alam ni Thor ang pweding gawin ng espadang iyon sa demi-god , 

nakapag pakawala ng atake si Thor kung kaya pansamantala syang nakawala sa kamay ng kalaban ngunit muli sya nitong na grap ,

hinawakan ni Gorr ang pamatok ni Thor na sya namang ikinagalit ng god of thunder , kung kaya nagawa nya itong masakal at maipatilapon papalayo , 


dumating si Jane Foster at Valkery,

tinatantya sila ni  Gorr ,

nagpakawala ng atake si Thor ngunit naglaho ang kalaban . 

gamit ang kapangyarihan ni Gorr ay inisa isa nitong dukutin ang mga bata sa asgard , 

isang nanay ang sumigaw at nag alarma sa lahat na ang kanilang mga childrens ay dinudukot ng mga kampon ni god butcher. 

magkasabay na lumipad si Thor at Jane upang habulin ang mga dumukot sa mga bata ngunit hindi na nila ito naabutan , 

matapos ang malagim na gabi ay  abalang abala si Valkerie sa pagsagot , pagpaplano kung papano nila mahahanap at mari retrieve ang kanilang mga childrens , 

hindi magkanda mayaw ang hari ng asgard sa pagbibigay ng atensyon sa mga asgardians na nangangailangan ng tulong nya . 

nag umpisa ng magkagulo ang mga asgardians kung kaya naisipan na ni Thor na pumagitan sa problemang ito , 

nagbigay ito ng isang nakakabilib na speech kasabay nito ay ginamit nya ang kanyang Pamatok upang buksan ang bifrost at hanapin ang kinaroroonan ng mga bata . 

ngunit di pa man nagtatagal ay muling nakabalik si Thor sa asgard na bigo sa kanyang paghahanap sa mga kinidnap  na asgardians , 

habang nagpupulong ang apat ay nagpakita si Astrid , anak ni Heimdal . gamit ang telekenitic power nito para makapag communicate sa ibang dimensions at universe . 

nahanap nito ang kinaroroonan ni thor , 

tinanong ni Thor si Axl kung nasaan sila ngunit hindi nito alam ang eksaktong kinaroroonan nila ngayon , kung kaya tinuruan sya ni Thor ng isang teknik para maka connect si Thor sa mga dimensional travel ni Astrid . 

iniunat ni Axl ang kanyang kamay kagaya ni Thor at nagtagumpay si Thor na makapunta sa location ng mga bata gamit ang astral travelling . 

ipinangako nito sa mga bata na sa lalong madaling panahon ay ililigtas nila ang mga ito , 


nakita ni Thor ang Puting Buwan at nalaman nito kung nasaang lokasyon ngayon ang mga bata , 

matapos nito ay nagpa alam na ang ating bida , sa pagbabalik ng ulirat nito sa earth ay sinabi nya sa mga kasama na ang mga bata ay nasa SHADOW REALM, 

isinajest ni Thor na hindi sila maaaring basta basta nalang lumusob sa shadow realm dahil hindi angkop ang kanilang mga sari-sariling kakayahan at sandata upang mapuksa ang mga shadow monsters dito , 

imimungkahi ni Thor na puntahan nila ang Omnipotence City upang humingi ng reinforcements at mga karagdagang mandirigma . 

upang makarating sa Siyudad ni Zeus ay kinakailangan nila ng mas malaking ship para magamit sa bifrost , 

ginamit nila ang dalawang kambing ni Thor , ang Bangka ni Valkiery at ang Storm Breaker ng ating bida . 

matagumpay silang nakarating sa Omnipotence City. 

dito ay lugod na lugod si Thor sa introduction ni Zeus . 

hangang hanga si Thor sa almight god na ito . 

hanggang sa sitahin sya nito kung bakit salita ng salita ang ating bida , 

nagpaumanhin si Thor at sinamantala ang pagkakataon na ito para sabihin kay Zeus ang kanilang sadya .

ngunit dinedma lang sya nito sa kanyang warning at sinabing si Gorr ay hindi banta sa lahat ng dios kungdi sa mga dios lang na katulad ni Thor . mahihinang dios , 

sinabi pa nito na nagiging cause si Thor para mag panic ang iba pang dios kung kaya iniutos nito dakpin si Thor at ikulong , 

pinakawalan ni Jane Foster ang Mjolnir at inatake nila ang mga guards sa omnipotence city . nagkaroon ng masibsibang labanan sa templo , mahusay ang ipinakita ni Jane sa pag gamit sa martilyo nito , 

maging si Korg ay nagpakita rin ng malupit na mga atake , nagpapahiraman sila ni Thor ng pamalo upang atakehin ang kalaban , 

samantalang si Jane at Valkerie ay ginamit ang mga magigilas nilang battle moves sa pag paslang sa mga gwardyang lumalapit sa kanila , 

si Thor ay hindi hawak ang Storm Breaker kung kaya naka hand to hand combat mode ito . 

nakita ito ni Zeus na napakahusay ng mga galawan ng grupo ng ating bida kung kaya kinuha nito ang kidlat , 

at ibinato kay Korg, sapul  ang kaibigan ni Thor , nalusaw ang katawan nito dahil sa pagkakatama ng kidlat ni Zeus , 

sunod nitong inatake si Thor ngunit dahil may kakayahan din ang odinson na makahawak ng kidlat ay nakuha nito ang kidlat ni Zeus at ibinato pabalik ng ating bida , sapul sa dibdib ang dios na Zeus , 

nalaman ni Thor na hindi tuluyang nag perish si Korg , kahit ulo nalang ang natira dito ay buhay pa ito kung kaya itinali ni Valkery ang buhay na ulo na si Korg at patuloy pa rin silang nakikipag laban sa mga tauhan ni Zeus , gamit ang whistle command ni Korg ay natawag nila ang dalawang kambing, bago tuluyang sumakay si Valkery ay kinuha nito ang kidlat ni Zeus at nagawa pang mag good bye kiss sa kamay ng isang diosa, 


habang nasa paglalakbay sina Thor ay lumapit si Jane sa ating bida , nagka kwentuhan sila patungkol sa kanilang love life at inamin ni Thor na sa lahat ng babae ay si Jane ay pinaka nagustuhan at inibig nya ng buong puso , humingi rin si Thor ng patawad sa babae sa mga maling desisyung nagawa nito  , sa pag iwan kay Jane at piliin ang sumama sa Avengers kaysa sa pagmamahal na dapat ay kasama nya ang babae . 

di pa man tapos si Thor sa mga litanya nya ay hinalikan sya sa labi ni Jane , patunay na tinatanggap nito ang paghingi ng tawad ni thor sa kanya. 


habang nasa kalagitnaan sila ng matatamis na eksena ay inistorbo sila ni Valkyrie at sinabing naririto na sila sa Shadow Realm , 

napansin nilang ang mga kulay nila ay nawala at naging black and white and lahat ng nasa paligid , 

nakita nila ang cage ngunit wala na dito ang mga bata , 

pumasok ang tatlo sa isang basement  at hinanap ang mga bihag , ginamit ni Jane ang Mjolnir upang magsilbing ilaw sa madilim na paligid , 

nakita ni Jane ang mga balangkas ng plano ni Gorr at dito ay napag alaman nyang ang key para makarating sa center of the universe o ang tinawag na Eternity ay ang Bifrost , 

agad ibinato ni Jane ang Storm Breaker sa kalawakan upang hindi ito makuha ni Gorr, 

muling nagkasama sama ang tatlo at inihanda ang sarili 

sa paglabas ng god-butcher

nilapitan ni Thor si Jane at itinanong dito bakit nito itinapon ang storm breaker , 

dito ay ipinaliwanag ni Jane na ang susi para mabuksan ang gates of eternity ay ang Bifrost .

sa paglabas ni Gorr ay kaagad nagpakawala ng atake si Jane ngunit nailagan lang ito ng shadow god at nagawa i capture ang tatlong mandirigma , 

inutusan nito si Thor na tawagin ang Storm Breaker , ininsulto ito ni Thor at sinabing ang baho ng hininga mo.

nabasa ni Gorr ang nasa isip Thor at dito ay nalaman nyang pinuntahan ni Thor ang City of Omnipotence ngunit nabigo ito sa paghingi ng tulong mula sa iba pang mga dios , kung kaya ginamit ito ni Gorr upang i brain wash ang ating bida , 

sunod nitong nilapitan si Valkerie at ipinaisip dito ang pagpapabaya ng mga dios nya nung nanalangin si Valkerie na ingatan ang mga warriors nyang babae sa labanan , 

nung lumapit ito kay Jane ay napagalaman nyang malapit ng mamatay si Jane , at kung umaasa man ito sa tinatawag na eternal reward ay nagkakamali si Jane Foster dahil walang Eternal Reward na matatanggap ang babae , 

muli itong lumapit kay Thor at ikwinento ang kanyang naging kabiguan sa pagtitiwala sa kapangyarihan ng mas nakakataas , na kung bakit ngayon ay nagnanais syang pulbusin ang lahat ng mga wicked gods na nagpa asa sa mga normal na tao na mamahalin , lilingapin , at bibigyan ng eternal reward na sa bandang huli pala ay papabayaan lang ang mga ito sa oras na wala ng silbi at mahina na . 

napapayag nito si Thor na tawagin ang Axe dahil sa pangba black mail nito na papatayin sa sakal si Foster kung patuloy na magmamatigas si Thor . 


agad nag sumon ng mga shadow monsters ang kalaban  upang makuha ang pamatok ni Thor , 

nagpakita ng maangas na labanan sa pagitan ng god butcher at god of thunder , 

samantalang sina Jane at Valkery naman ay busy sa pag tugis at pag pulbos sa mga halimaw na alagad ni Gorr. maging ang dalawang kambing ay nakisali na rin sa labanan , 

ng magkaroon ng pagkakataon si Valkerie ay  tinulungan si Thor na atakehin si Gorr , 

matagumpay nya itong nasaksak sa likod gamit ang Zeus lightning , 

ngunit sa kabila ng tama ni Gorr ay nagawa rin nitong makaganti sa valkeri , nasaksak din nya ito sa likod gamit mismo ang sandatang ipinansaksak nito sa kanya , 


si Jane din ay nanghihina dahil sa impact ng pag atake sa kanya ng higanteng halimaw , 

nagpakawala si Thor ng kidlat gamit ang Storm Breaker , nasalag naman ito ni Gorr , 

ng magkaroon ng chansa ay ginamit ni Thor ang bifrost upang makabalik sila sa earth . ngunit bago pamn sila tuluyang makaalis ay naagaw ni Gorr ang Storm Breaker sa kamay ni Thor , 


sa earth ay makikita ang hitsura ni Jane na putlang putla at halos wala ng lakas na pagapang habang pinipilit na inaabot ang MJOLNIR , 


napag alaman ni Thor sa doctor ni Jane na mas lalong pinapalala at pinapabilis ng Mjolnir ang sakit ni Jane sa tuwing ginagamit nya ito , 

ninais sana ni Jane na tanggalin ang swero nya at sumama kay Thor sa muli nitong pagbabalik sa Shadow Realm ngunit pinigilan ito ni Thor at sinabing hindi na maaaring gamitin ni Jane ang Mjolnir dahil mas lalong pinapalala nito ang kanyang cancer , ngunit sinabi ni Jane na mamamatay lang din naman ako , nais kong mamatay sa labanan at hindi sa sakit . 

ngunit nagmatigas si Thor at iniwan nya si Jane , 

habang kausap ni Thor si Valkery ay sinabi ng babae na hindi na nya matutulungan at masasamahan si Thor sa muli nitong pagharap kay Gorr , 

wala na syang sapat na lakas at hindi pa sya full recovered para muling sumabak sa labanan

sa halip ay ibinigay nito kay Thor ang Zeus Lightning na sya namang ginagamit ni Thor upang makapag travel back sa shadow realm . 


malapit ng mabuo ni Gorr ang Gates of Eternity , 

takot na takot naman ang mga batang asgardians , 

ng makumpleto ito ng god-butcher ay agad sinimulan nito ang pagbubukas ng portal . 

ginamit nya ang kanyang shadow technique upang mahold ang storm breaker . 

agad nagpakawala ang palakol ng bifrost upang mai unlock ang gateway , 


habang nasa kalagitnaan ng seremonya si Gorr , ng dahil na rin sa malakas na frequency ay nayanig ang paligid na naging dahilan para magsipagbagsakan ang mga debris sa templo . 

ang lupon ng mga kabataan ay nahulugan ng isang ulo ng rebulto , 

mabuti na lamang at saktong pagdating ni Thor kung kaya nabuhat nya ito bago pa man tuluyang mapitpit ang mga bata . 

natuwa naman si Axl ng makita ang pisikal na pagdating ni Thor ,

matapos maitapon ni Thor ang ulo ng rebulto ay tinipon nya ang mga bata , 

nakita naman sila ni Gorr kung kaya gamit ang kanyang kapangyarihan ay nag summon muli ito ng mga madidilim na halimaw , 

pinakuha ni Thor ng anumang pweding gawing sandata ang mga bata at pansamantala nyang binigyan ito ng kapangyarihan ng kidlat . 

ang mga bata ay tinawag nyang mga space vikings , at nagpakita rin ng napakaganda at napakahusay na pakikipag laban , 


muling nagkaharap ng 1 on 1 sina thor at gorr , 

una nyang napatamaan ang god butcher , 

sunod sunod nyang naaatake ang kalaban , 

nagawa naman ni Gorr na maitalksik ang hawak na sandata ni Thor na Zeus Lightning kung kaya sunod sunod din syang naaatake ng Corrupted Gorr. 

sa earth ay nararamdaman ni Jane ang bawat atakeng natatamo ni Thor 

nagising si Jane at nakita nyang nakalutang malapit sa kanya ang Mjolnir na tila sinasabing gamitin ito ni Jane upang tulungan ang dating among si Thor . 

lugmok na lugmok si Thor at malapit na syang masaksak ni Gorr gamit ang necrosword ng atakehin sya ng mjolnir. 

ito ay si Jane sakay ng kabayo ni Valkerie , nabagbag at naluluha si Thor , 

alam nyang maaaring ikasawi na ni Jane ang pag gamit nya ngayon sa Mjolnir . 

datapwat naging persistent si Jane na nagtransform bilang si Mighty Thor kung kaya muling ginamit ni Thor ang Lighning Weapon ni Zeus at magkatulong nilang inaatake ang kalaban , 

bugbog sarado at hindi makapag counter attack si Gorr sa combination moves ng dalawang magkasintahan , 


nakita ni Jane na malapit ng mabuksan ang gateway kung kaya inutusan nito si Thor na alisin ang Storm Breaker at solo nya munang aatakehin si Gorr. 

sinubukan ni Thor na tanggalin sa pagkakakapit si Storm Breaker ngunit mahigpit ang shadow hand na nakahawak dito , 

dahil solo lang na lumalaban si Jane ay nahirapan ito sa pakikipaglaban kay Gorr , 

ng matagumpay na matanggal ni Thor ang storm breaker ay ibinato nya ito kay Asrid at sinabing gamitin ang bifrost upang maiuwi sa earth ang mga batang asgardians , 

muling naging dehado si Gorr ng muling umatake sa kanya si Thor , 

gamit ang sandata ni Zeus ay nagawang salagin ni Thor ang Necrosword , inutusan nya si Jane na wasakin ang espada , itinapon ni Jane ang Mjolnir para maging dahilan ng pagkawasak ng necrosword .


napansin ni Jane na katulad ng mjolnir ang necrosword ay kusang nag ri regenerate kung kaya upang tuluyan itong mawasak ay ginamit ni Jane ang lahat ng kanyang lakas at kapangyarihan upang pulbusin ang mga parte ng espada , 

kapalit nito ay ang pagkaubos ng lakas ni Jane at sairin ng Mjolnir ang physical stregnth nito , 

nag alala si Thor sa kasintahan ngunit sinabi nitong okay lang sya at kailangan pigilan ni Thor si Gorr na ngayon ay matagumpay ng nakapasok sa gateway ng eternity . 

nagbagong bigla ang paligid , makikita si Gorr na matagumpay ng nakaharap sa Eternity 

sinubukang kumbinsihin ni Thor si Gorr upang wag nitong hilingin na mawala ang lahat ng dios , sa halip ay ang hilingin nito ay ang muling mabuhay ang anak nitong nawala , 

ngunit sinabi ni Gorr na , kung mabubuhay ang anak nya tapos sya naman ay mawawala , malulugmok lang sa sakit at pagdurusa at pangungulila ang kanyang anak . 

ngunit sinabi ni Jane na hindi magiging mag isa ang kanyang anak , na mas makakaramdam ito ng kasiyahan sa buhay kapag nalaman nitong ginawa ng lahat ng ama ang lahat ng makakaya upang mabuhay lamang ito , na sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon sya ng tsansa na mabuhay sa mundong ibabaw na hindi lang basta mabuhay kungdi espesyal ang magiging buhay nito dahil alam nyang ang buhay na tinatamasa ngayon ng kanyang anak ay ang buhay na punong puno ng pagmamahal at pagsasakripisyo ng isang ama. 

dahil sa mga sinabi ni Foster ay hiniling na lamang ni Gorr na muling mabuhay ang kanyang anak , 

bago bawian ng buhay si Gorr ay masaya syang makita ang kanyang anak na muling nabuhay , punong puno ng kasiyahan ang kanyang puso , hiniling din nito kay thor na alagaan nito ang kanyang anak na pinangalanan nyang love , 


samantala si Jane ay tuluyan na rin nasawi at naging pulbos na ginto itong nalusaw . 



maraming maraming salamat kaibigan , sana ay nagustuhan mo ang ating kwento , 

nga pala ang titulo ng pelikulang iyan ay Thor Love and Thunder , which is ang ibig sabihin pala ng pelikulang iyan ay hindi patungkol sa pag ibig at pakikipagsapalaran nina Jane at thor na sa una ay inakala ko ganuon ang magiging istorya ng pelikula , hihihi, hindi pala . 

kaya naging love and thunder yan dahil sa huli ng video ay makikita na naging mag tandem ang bata at si thor sa pakikipaglaban sa ibat ibang quest , which is tinawag ang babae bilang si Love at si Thor bilang si Thunder . 


hanggang sa muli kaibigan , wag kalimutan mag like , mag subscribe at pakipindort na rina gn bell , 

muli ako si Richard Belen , ba bye. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Iron Man 2008 - Tagalog Movie Recap Scripts

 Afghanistan ,  sakay si Tony Stark ng isang Military Mobile upang ihatid ito matapos ang kanilang isinagawang Missile Test,  ang lahat ay n...