matapos ang naganap na labanan sa pagitan nina Goku at Toppo ay bumalik na sa earth sina Son Goku upang kumpletuhin ang 10 miyembro ng magiging representative ng Universe 7 , sampung malalakas na mandirigma na sasali sa paligsahan ng pinakamalakas ,
nag teleport ang team sa palasyo nina Vegeta , saktong sakto naman na nakita sila ni Chichi at sinabing pwedi bang kainin nalang ni Goku ang kanyang handa , dahil hindi natuloy ang panganganak ni Bulma , na yun ang dahilan kung bakit naghanda si Chichi ,
banas naman si Vegeta dahil ginagamit ni Bulma ang kanyang training room para sa pag e exercise nito upang mas mapabilis ang panganganak nya ,
tinanong ni Trunks kung saan pupunta ang kanyang ama , sinabi ni Vegeta na pupunta sya sa malapit lang para mag training ,
sinabi nina Trunks at Goten na nais nilang sumama kay Vegeta,
ngunit hindi sila pinayagan nito ,
sa halip ay inutusan nito ang anak na ayusin ang kanilang kwarto
kung kaya humingi ng tulong si Trunks sa kanyang kaibigan para tulungan sya nito ,
tuwang tuwa at sarap na sarap sina goku at ang mga god warriors sa kanilang mga kinakain ,
ito ang kauna-unahang pagkain nila mula nung napunta sila sa paligsaan sa ibang dimension ,
sinabi naman ni Kai-Sama na , papano kayo nakakakain ng ganyan kung ganitong nalalagay sa panganib ang ating universo , hindi ba dapat unahin natin mag gather ng 10 malalakas na mandirigma ?
sinita naman sya ni Berrus at sinabing patapusin muna sila kumain at wag naman bastos ,
kung kaya tumalikod na napahiya si Kai ,
sinabi ni Berrus na kahit pa makumpleto nila ang 10 pinaka malalakas sa kanilang uniberso ay napakaliit ng chansa na manalo sila sa paligsahan ,
ngunit kampante naman si Goku at sinabing mananalo tayo ,
sinabi nilang may malalakas silang siguradong makakatulong sa kanila , inintroduce nila si Vegeta at Monaka ,
ng marinig ni Berus na isasali si Monaka ay sinabi nitong may sakit si Monaka at hindi ito maaaring isali ,
sinabi naman ni Gohan na wag pilitin ni Goku si Berus lalo na at sinabi nitong nakasalalay ang kalusugan ng mandirigma,
kung kaya sinajest nalang ni Gohan na sina Picollo at Krilin nalang ang kanilang isali ,
tinawag ni Goku si Gohan upang gamitin ang Battle Image Technique upang maalaman nila kung capable ba si Krillin sa paligsahan ,
matapos nila ma check ang kasulukuyang kakayahan ni Krilin ay sinabi ni Gohan na incapable si Krillin , ngunit tinutulan ito ni Goku at sinabing malakas at maabilidad si Krilin at isasama nila ang kaibigan sa kanilang grupo,
iminungkahi ni Kai-Sama na isali ang dalawang batang sina Trunks at Goten ,
ngunit tinutulan ito ni Goku , at sinabing kulang pa sa experiences ang dalawa ,
iminungkahi ni Gohan si Master Roshi , sinabi nitong full of experiences ito at maraming mga tricks ,
sumingit ng mungkahi si Master Pogi at sinabing isama nila sa grupo si Android No. 18, at Android No. 17, dahil dito nakumpleto na nila ang 9 at isa nalang ang kailangan nila , iminungkahi ni Kai Sama na ang pang sampu ay kuhanin nila sa ibang planeta ,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento