Nagsimula ang kwento sa eksena ni Clint Barton na masayang kasama ang kanyang Pamilya , Tinuturuan nyang mag shoot ng arrow ang kanyang anak na babae ,
habang ang magkuya naman ay busy sa paglalaro ng bola ,
tumalikod saglit si Clint ng sa kanyang pagharap sa kanyang anak ay hindi nya na ito makita ,
muli syang tumingin sa paligid at ang kanyang buong pamilya ay hindi nya na makita ,
Magandang araw mga kaibigan , muli ako si Richard Belen at kung ngayon lang tayo nagkatagpo sa pamamagitan ng video na ito ay please lang ,
wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell ,
ang kwento na ating pag uusapan ngayon mga kaibigan ay may pinamagatang , AVENGERS ENDGAME .
simulan na natin .
Sa outer Space ay magkasama sina Nebula at Tony Stark , hindi sila makaalis dito dahil ang space ship na kanilang kinalalagyan ay wala ng gas para makapag travel back
papunta sa earth . kung kaya ginugol ng dalawa ang kanilang panahon sa pagi entertain ng kani-kanilang sarili ,
matapos ang kanilang paglalaro ay ginamit ni Iron Man ang kanyang Suit upang mag capture ng last moment of his life ,
nag iwan sya ng mensahe para sa kanyang maiiwan , sa kanyang asawang si Pots at sa kanyang Unica Hija .
tuluyan na ngang naubos ang oxygen sa loob ng space ship at si Tony Stark ay unti unti ng nawawalan ng Hininga ng isang nakakasilaw na liwanag ang nakita ni Iron Man ,
ito ay hindi liwanag na kumukuha s tao ah , ito ay isang liwanag na nagmumula sa isang makapangyarihang Nilalang at Hero na si Captain Marvel ,
sinagip nito ang dalawa , si Tony Stark at si Nebula , gamit ang cosmotic stregth ay binuhat nya ang space ship ng dalawa at ibinalik sa earth .
sinalubong sila ni Captain America , black Widow , Bruce Banner , War Machine at Mrs. Spots ,
patakbong inalalayan ni Captain si Tony Stark , ibinalita ni Iron Man sa kaibigan na nanlulumo syang naiwala nya si Spiderman,
mangiyak ngiyak naman si Mrs. Spot sa muli nilang pagkikita ng asawa ,
nilapitan naman ni Squiril si Nebula at kinomfort ito ,
sa loob ng basement ay binigyan nila ng impormasyon si Captain marvel sa lahat ng dapat nitong malaman ,
pinag usapan din nila ang patungkol sa ginawa ni thanos ,
gaano karami ang natitira sa mundo at kung papano ang susunod nilang gagawin ,
sinabi ni Captain America na ginawa na nila ang lahat ngunit kahit ang Deep Space Scanning ay hindi maituro sa kanila
ang lokasyon Ni Thanos ,
nabanas naman sa impormasyong nakuha si Tony Stark kung kaya nagwala ito sa kanilang pagpupulong ,
sinisi nito si Captain America sa hindi maayos , organisado , at planadong pag depensa mula kay Thanos ,
sinubukan syang awatin ni War machine , ngunit hindi ito nagpapigil , hanggang sa dumating sa punto na tangalin ni Iron Man ang kanyang Modified Heart at ibinigay sa kamay ni Captain America ,
naging dahilan ito para mawalan ng malay si Tony Stark ,
nagpaalam si Captain Marvel at sinabing alagaan nila si Tony Stark at magdadala sya ng Xorian Elixir sa kanyang muling pagbabalik ,
tinanong ni Captain America ang babae kung saan pupunta ,
sinabi nito na hahanapin nya si Thanos para bawian ito ng hininga ,
sinita sya ni Black Widow at sinabing , sa grupo namin ay nagtatrabaho kami ng may team work ,
at sa universo na ito , ay marapat lamang na kasama sila sa misyong gagawin ni Captain Marvel .
sumabat si Nebula at sinabing alam na nila kung nasaan si Thanos ,
sa tulong ni Squill ay nalaman nila kung nasaang planeta ang kanilang hinahanap ,
ito ay ang tinatawag na Planet Garden .
napag alaman din nilang muling ginamit ni Thanos ang Stones sa di pa nila alam na kadahilanan ,
matagumpay nilang narating ang Planet Garden , bago lumapag sa atmospher ng planeta ang spaceship ay ipinagpasya ni Captain Marvel na mauna sya upang mapagmasdan at masuri ang paligid ,
sa pagbabalik ni Captain marvel ay sinabi nitong nakakapagtaka na Walang Satellites , walang mga Ships , at walang mga sundalo sa kinaroroonan ni Thanos ,
si Thanos ay namuhay na mag isa sa planeta , namuhay ito bilang isang magsasaka at matahimik na walang kasama ,
habang abala ito na nagluluto ng kanyang kakainin ay inatake sya ni Captain Marvel ,
sinakal ito ng babae dahilan para hindi ito makagalaw
lumaabas si si Banner na naka Iron Man Suit at si War Machine , pinagtulungan nilang tatlo na pigilan si Thanos sa anumang pag galaw nito ,
lumabas si Thor at agad initak ang kamay ni Thanos na naging dahilan para maputol ito ,
dumating si Captain America at Black Widow ,
iginulong ni Quill ang naputol na kamay ni Thanos para lang makita na wala na ang mga Stones sa Gaunlet nito.
ipinagtapat ni Thanos na ginamit nya ang stones para ma ireduce ito sa atoms upang hindi na magamit pa ng kahit na sino .
sa sobrang galit ni Thor ay pinugutan nya ito ng ulo ,
nanlumo ang lahat sa kanilang nalaman , bakas sa kanilang mukha ang kawalang pag asa , na ngayon na alam na nila na hindi na nila maibabalik ang lahat ng mga kasamang nawala ,
samantala sa Pym Lab , ang equiptment na naabanduna sa pagkawala ng mag amang sina Hope at Dr. Pym ay nadaanan ng daga , aksidente naman nito na napindot ang mga buton sa switch board na naging dahilan para mabalik sa mundo ang na trap na si Scott Lang ,
sa kanyang paglabas ng lab ng doctor ay nagtataka si Scott , sa pagbabago ng paligid , maging ang mga tao ay hindi nya na nakikilala ,
isang batang naka bisekleta ang kanyang tinanong ngunit tiningnan lang sya nito ng masama at sabay na tinalikuran sya nito
napunta sya sa libingan ng mga nag vanish o nawalang tao ,
kinakabahan sya at nananalangin na sana ay wag nyang makita ang pangalan ng kanyang anak na si Cassie , sa halip ang nakita nyang pangalan ay ang kanyang pangalan na nakalista sa mga pangalan ng naglaho nalang bigla.
agad nyang pinuntahan ang bahay nila , at mabibilis at malakas na katok ang kanyang pinapakawalan ,
isang dalagitang babae ang nakita nyang palabas ,
tiningnan sya nito at bakas sa mukha ang pagkabigla ,
umiiyak itong hinawakan ang kanyang mukha ,
dito ay napagalaman ni Scott na si Cassie ang kanyang kaharap ,
at dito ay nakumpirma ni Ant Man na sya ay nakaranas ng Time Traveling , dahilan ito para pumunta sya ng Avengers HQ upang humingi ng tulong at dagdag kaalaman sa mga nararanasan nya ngayon .
habang sina Natasha at Captain America ay nasa kanilang kapighatian at nag uusap ay nakita nila sa CCTV si Scott Lang , pinapasok nila ito
at dito ay ikwinento ni Scott ang kanyang naranasan , at dahil sa mga ikinikwento ni Scott Lang ay nabuhayan ng loob at nakaisip ng pag asa sina Natasha at Steve , na kung nagawa ni Ant Man na makapag time travel ay maaari din nila itong magawa at makapag travel back papunta sa nakaraan upang mabago ang kanilang kasalukuyan . kung silang tatlo lang ay hindi nila ito magagawa , kung kaya kinakailangan nila ang tulong ng buong team lalong lalo na si Tony Stark na ang nagsisilbi nilang brain of avengers ,
sama sama nilang pinuntahan si Iron Man sa bahay nito na masaya na nakikipag bonding sa kanyang anak ,
pansamantalang pinapasok ni Tony ang kanyang anak upang makipag pulong sa kanyang mga kasamahan , sinabi nitong hindi nya matutulungan ang grupo , ipinaliwanag ni Ant Man na kung magagawa ni Tony Stark na i reverse ang time machine na inimbento ni Dr. Pym ay magagamit nila ito upang makapag travel back at makakulekta sila ng mga stones para makabuo sila ng another version of gauntlet at maaari nilang maibalik ang lahat ng nawala sa kanilang buhay ng dahil sa pag i snap ni Thanos ,
ngunit pinag giitan ni Tony na napaka liit lang ng tsansa ng pinaplano nila ,
ng dahil dito ay nadismaya ang kanilang grupo at sinabi nilang , hindi natin mapipilit si Iron Man dahil likas sa sarili nito ang hindi makinig sa suhestyon ng iba . na feeling nito ay sya lang ang may karapatang mag isip dahil sya ang pinaka matalino sa lahat ,
dahil dito , ay napagpasyahan nilang puntahan si Bruce Banner na sinasabi nilang isa rin sa pinaka matalino nilang kasamahan,
sa isang restaurant nila nakausap si Bruce Banner na ngayon ay nananatili sa form ni Hulk , naging kilala ito sa lugar dahil sa pambihira at kakaiba nitong anyo , naging magiliw din si Hulk sa mga bata na sa tuwing may nag a approach upang magpapicture ay wala itong pag aatubili na magpakuha ng litrato ,
pinakiusap nila kay Bruce na kung maaari ay tulungan silang
i reverse engineer ang makinarya ni Dr. Pym na maaaring maging solusyon nila sa kanilang mga nararamdamang pagkabigo .
matapos marinig ni Bruce ang mga posibilidad ay pumayag ito na makipag tulungan sa Team ,
samantala habang si Tony Stark ay naghuhugas ng mga plato ay napansin nya ang litrato nila Ni Peter Parker , nabagbag ang kalooban ni Tony Stark ng makita ang larawan nilang dalawa ng pinaka paborito nyang estudyante at scholar ,
bago sya matulog ng gabing iyon ay sinubukan nyang mag rendered ng model ng isang Mobious Strip na sinasabi ni Scott Lang ,
sa laking pagkagulat nya ng marealize nya na napakalaki ng nga posibilidad na makapag travel back sila sa nakaraan gamit ang inverted machine na gawa ni Dr. pym ,
habang nakakaramdam ng katuwaan si Tony Stark ay napansin nyang gising pala ang kanyang anak at pinapanood lang sya nito ,
sinamahan nya ito sa kwarto at pinatulog , nag request ito ng kwento ngunit si Tony Stark ay hindi marunong gumawa ng istorya kung kaya sinabihan ito ng kanyang anak na ang panget mo magkwento papa,
sa kanyang pagbabalik ay nakita nya ang kanyang asawang si Pots at ikwinento nito sa asawa na na figure out nya na ang time traveling at ito ay 99.9% possible ,
sa Avengers HQ ay unang sinubukan na nina Scott at Hulk ang unang output ng gawa ni Bruce ,
instead na makapag time travel si Scott sa 1950s ay naging teenager ang kanyang katawan ,
muling sinubukan ni Bruce na palitan ang set at ibalik si Scott sa dati ngunit naging Senior Citizen naman ito ,
sa pangatlong ulit ay naging baby naman ito ,
nag umpisa ng mataranta sina Steve , Bruce at , Natasha ,
sa pang apat nilang pag subok ay mabuti na lamang at naibalik sa normal na katawan si Scott Lang ,
kitang kita sa mukha ni Steve Rogers ang kabiguan ,
lumabas ito ng HQ upang mag muni muni ,
habang nasa labas sya ay ang saktong pagdating ni Tony Stark ,
agad nahulaan ni Tony Stark na bigo ang kanilang time travelling . sinabi ni Tony Stark na ang ginagawa nila ay ang EPR Paradox na instead na makapag time travel ang subject ay ang subject ang nagta travel instead of time .
nabuhayan naman ng pag asa si Steve Rogers at sinabing alam mo ba papano ang gagawin ,
mayabang namang sinagot ni Tony Stark na OO naman mabuti nalang at nandito ako dahil kung wala ako siguradong hindi nyo magagawa ang time travelling na gusto nyong mangyari ,
ipinagmayabang nito ang inimbento nyang Fully Functioning Time-space GPS , na kanilang gagamitin , sa huli ay humingi ng pasensya si Tony Stark sa naging ugali nya noong nakaraan , tinanggap naman ito ni Captain America at nagkaayos silang dalawa ,
binigyan ni Iron Man si Steve Rogers ng bagong shield , na labis na ikinatuwa ng kaibigan ,
kakain na sana si Scott ng dumating ang natitirang miyembro ng avengers , naging dahilan ito para mawala ang inihanda nyang pagkain ,
nadaan si Hulk at nakita nitong nawala ang pagkain ni Scott kung kaya binigyan nya ito ,
sa kanilang team ay si Thor nalang ang hindi nila naku kuntak kung kaya personal nilang pinuntahan ito sa Tonsberg o New Asgard .
dito ay nakita nina Hulk at Rocket ang Depressed na si Thor , sinabi nilang gumagawa sila ng time machine at plano ng buong team na kulektahin ang mga stones at gumawa ng another gauntlet upang mai reverse ang lahat ng nawala dahil kay Thanos ,
katulad kay Tony Stark ay naging pahirapan ang pagkumbinsi nila dito ngunit sa bandang huli ay napapayag nila ito ,
si Natasha naman ay ang naka toka na ipaalam kay Clint Barton ang kanilang hakbang ,
naging busy ito sa pag tugis ng mga masasamang tao simula ng mawala ang kanyang pamilya , matapos bawian ng hininga ni Clint ang Leader ng Mob ay tinanong nito si Natasha kung ano ang ginagawa nito dito , sinabi ni natasha na may nagawa ang grupo na time travel at magagamit nila ito upang makolekta ang mga stones at maibalik ang mga nawala sa kanilang buhay .
sinabi ni Clint na wag syang paasahin ni Natasha ,
ng makumpleto na ang team avengers ay muli nilang sinubukan ang time travelling , si Clint ang sumubok nito at naging successful ang kanilang experimento ,
matagumpay na nakarating sa past at matagumpay ding nakabalik sa kasulukuyan si Clint ng walang damage or error sa makina ,
kung kaya pinagplanuhan na nina Tony Stark ang susunod nilang gagawin , kung sino sino ang magta travel back at kung saang certain time sila kailangang bumalik .
pinag aralan nila ang mga lokasyon ng mga stones at kung saang time ito nanduon ,
ang planong ito ay tinawag nilang TIME HEIST
SIX STONES , THREE TEAMS , ONE SHOT
handang hand na ang pangkat , nakasuot sila ng mga uniporme na kanilang gagamitin sa pagta time travel , matapos ang litanya ng kanilang lider na si Steve Rogers ay sabay sabay nilang isinuot ang PYM Jacket , at magkakasabay silang pumaloob sa Quantum Realm for Time Traveling ,
New York 2012 ,
dito naka toka sina Antman , Iron Man , Captain America , at Hulk upang kuhanin ang 3 stones
hiyang hiya naman si Banner sa ipinapakita ng Past hulk , kung kaya hindi ito makatingin ng diretso sa mga kasama , dumiretso si Hulk sa kinaroroonan ng Sorcerer Supreme upang kuhanin ang time stone ,
susubukan sanang makipaglaban ni Hulk sa babae ngunit isang atake lang sa kanya nito at naghiwalay ang kanyang physical body at espiritual consciousness ,
ipinaliwanag ni Bruce na kailangan nila ang Time Stone upang ma reverse ang ginawa ni Thanos , ipinaliwanag ng sorcerer supreme na kung ibibigay nya ang time stone ay maaaring masira ang present time sa pamamagitan ng pagbago ng hinaharap ni Hulk , ngunit ipinaliwanag ni Bruce na hindi magkakaroon ng incursion kung sa oras na kinuha ang time stone ay yun din ang eksaktong time na ibabalik ito , sa ganung paraan ay walang incursion na magaganap , kahit sa ganitong paliwanag ay hindi nya nakumbinsi ang sorcerer , kung kaya sinabi nito na kung ganun , bakit ibinigay o isinuko ni Dr. Strange ang time stone kay Thanos ,
napatigil saglit ang sorcerer supreme at sinabing ....
si Dr. Strange ang pinaka The Best sa lahat ng Sorcerer Supreme , kung ibinigay ni Dr. Strange ang time stone ay siguradong may dahilan ito .
ibinigay ng Sorcerer Supreme ang time stone kay Bruce at sinabing " Umaasa kaming lahat sayo Bruce " .
2013 sa Planetang Asgard , magkasama sina Quill Rocket at Thor upang kuhanin ang reality stone ,
naging emosyonal si Thor sa pagbabalik sa Asgard , sa kabila ng pagiging makapangyarihan ni Thor ay mababa ang loob nito pagdating sa kanyang pinakamamahal na ina ,
sinabi ni Rocket na wag masyadong maging emosyonal si Thor dahil naririto sila para sa isang misyon at para makipag kita sa kanyang ina .
hindi napigilan ni Quill si Thor kung kaya nagpakita pa rin ito sa ina at sinubukang warningan ito na ang araw na ito ay ang araw na kung saan ay mawawala sa piling nila ang reyna ,
ngunit hindi ito tinulutan ng kanyag ina at sinabing kailangang mangyari ang dapat na mangyari .
sa huling pagkakataon ay pareho silang naging masaya , naging masaya ang kanyang ina na sa mga huling sandali ay muli nyang nakasama ang kanyang anak .
at maging si Thor ay tila naging batang maliit na iyak lang ng iyak .
naging matagumpay si Rocket na makuha ang reality stone . at ng pabalik na sila sa kasalukuyan ay pinigilan ito ni Thor at sinabing may kukuhanin lang sya . dinala ni Thor ang Mjolnir sa kanilang time travelling pabalik .
sina Clint Barton ,at Natasha Romanof ay magkasama naman na pumunta sa Planet Vomir para sa Stone , dito ay nakita nila si Red Skull na unang nakalaban ni Captain America , at napag alaman din nila mula dito na upang makuha ang soul stone ay kailangang nilang magsakripisyo ng buhay sa alinman sa kanila , nag agawan ang dalawa sa kung sino ang magsa sakripisyo , ninais nila pareho na sila ang maging sacrificial ngunit kalaunan ay si Natasha Romanof ang nagsilbing sakripisyo na naging dahilan para makuha ni Clint ang Soul Stone .
Si Rodney naman at Nebula ang naka toka para kuhanin ang Power Stone , nagbabala si Nebula na sa panahon na kung nasaan sila ngayon ay hindi lang sila ang naghahanap sa lugar na ito kung saan hinahanap ang bato , kungdi pati ang grupo nina Thanos ,
nag alala si Rodney sa sitwasyon nila ngayon ,
bilang isang android ay nag conflict ang synaptic drive ni Nebula nag cause ito ng memory malfunction para sa old nebula , dito ay nakita nina thanos na hindi lang iisang nebula ang naririto para maghanap ng power stone ,
nagduda si Thanos kung kaya tinawag nya ang kanyang heneral at sinabing mag run ng diagnostics or i scan ang memory ni Nebula at dito ay nakumpirma nilang may network sharing na nagaganap mula sa old and future nebula ,
gamit ang teknolohiya ng heneral ay na access din nila ang memory ng nebula na nasa morag planet , naging dahilan ito para magfunction ang suit ni Nebula at hindi nakasama sa pag travel back ni Rodney .
sina iron man at captain america at scott lang naman ay nakatuka para kuhanin ang scepter ni loki , ipinaliwanag ni Tony kay Scott ang mga impormasyon na dapat nitong malaman , pagkatapos ay nagpanggap si Stark na isa sa mga Guard habang si Scott Lang naman ay pinag malfunction ang heat mechanism ng old iron man ,
matagumpay nila itong nagawa , at nakuha ni Tony Stark ang bato datapwat bago pa tuluyang makalayo si iron man ay nabangga ito ni Hulk at natapon ang laman ng maleta , agad ito nakuha ni Loki at ginamit upang mag teleport .
si captain america naman ay nagawang makuha ang isang bato sa pamamagitan ng pagsabi ng katotohanan at sekreto sa mga S.H.I.E.L.D agents na isa palang HYDRA Soldiers.
bitbit na ni Captain america ang maleta na kinalalagyan ng bato ng sa pagbukas ng elevator ay nakasalabong nya ang isa pang Captain America , at dito ay nagkaroon ng masibsibang labanan sa pagitan ng dalawang avenger,
natigil lang ang labanan ng dalawa ng sabihin ni Captain America sa dati nyang version na buhay pa si Bucky , matapos nito ay inatake nya ang old version nya at ginamit ang loki's scepter para mawalan ng malay at alaala si Steve Rogers,
muling nagkita kita ang apat sa kanilang tagpuan at dito ay ipinahayag ni tony stark na fail ang mission nila ni Scott Lang ,
nawalan na ng pag asa si Ant Man dahil wala na silang natitirang PYM Particles,
nag umpisa ng magsisihan ang grupo ng makaisip ng ideya si Tony at sinabing nung panahon na naging magkatrabaho palang ang tatay ni iron man at si Dr. Pym ay naimbento na nito ang PYM partciles, at kung babalik sila sa panahon na yun ay makakakuha silang muli ng liquid para magamit nila pabalik sa kasalukuyan.
iniwan nila si Ant Man at sinabing bumalik na ito sa present day at iuwi na ang loki's scepter .
sinabi ni Scott Lang na kapag hindi nag work ang plano nyo ay hindi na kayo makakabalik pa ,
datapwat ipinagpatuloy pa rin ng dalawa ang patravel back papunta sa 1970
matagumpay na nakarating sa 78th Infantry Batalion base ang dalawa , napagkunwari si Captain America bilang isang sundalo at si Stark bilang isang scientifico ,
itinuro ni captain america ang passage papunta sa lab ,
ginamit ni Tony Stark ang kanyang super hightech eye glass upang makita ang tunnel way na dinaanan ng mga ahente ,
sa elevator ay panay tingin ng babae kay Steve Rogers , nag alala si Stark na mamukhaan nila si Captain america kung kaya tinakpan nito ang babae upang maiiwas si steve sa mga titig nito ,
ng makarating si Tony Stark sa basement ay agad nyang hinanap ang stone , matagumpay naman itong nakita at nakuha ni Iron Man , datapwat ay nakita sya ng kanyang ama na si Howard Stark ,
hindi alam ni Howard na ang ka kwentuhan nya ngayon ay ang kanyang anak na isisilang palang ngayong araw .
naging magaan ang loob ng isa't isa , si Tony Stark ay nag uumapaw ang kaligayahan sa puso na ngayon ay harap harapan nyang naririnig ang boses ng ama , nakikita ang mukha , at pisikal na nahahawakan . na sa present na buhay nya ay ni hindi nya nakita mula ng sya ay isilang ,
samantala si Captain America din ay nababagbag ang kalooban ng makita nya si Marvel One shot o ang kanyang kasintahan , nagnanais ang kanyang puso na kausapin ito ngunit alang alang sa misyon ay pinigilan nya ang kanyang sarili , matagumpay nyang nakuha ang mga Pym Particles at ng magkita silang muli ni Iron Man ay sinenyasan nya ito na success ang kanilang misyon , agad nagpaalam si Tony Stark sa kanyang ama na ngayon ay walang kaalam-alam sa kung sino sya .
samantala ang avenger nebula ay tuluyan ng nabihag ng grupo nina Thanos , binugbog ito ng enemy nebula at sinabing napakahina mo , ano ang nangyari sayo at naging ganyan ka kahina , hindi ikaw ang future life ko ,
sinabi ng avenger na , darating ang panahon mari realize mo na mali ang pananaw mo sa buhay at magbabago ka rin .
hindi ito matanggap ng alter self ni nebula kung kaya mas lalo sya nitong pinagsusuntok .
dumating si Gomora , at sinabi ni Nebula na ,
kailangan mong pigilan si Thanos sa plano nya , nakita mo naman ang mangyayari sa future hindi ba , at sa hinaharap , ang gomora na magiging ikaw ay magiging kapanalig din ng avengers ,
alam ni Nebula na nasa likas ng kalooban ni Gomora ang pagiging mabuti kung kaya alam nyang kahit papano ay nagdadalawang isip na ito ngayon .
ipinagtapat din ni Nebula kay Gomora na para makuha ni Thanos ang Soul Stone ay isinakripisyo nito ang buhay ng kapatid .
nakita nina Thanos ang PYM particles na ginagamit ni Avenger Nebula para makapag travel , gagamitin nila ito upang makapunta sa future sa panahon ng Avengers.
matagumpay na nakabalik ang mga avengers sa kasalukuyan , agad hinanap ni Captain America si Black Widow , makikita sa mukha ni Clint ang kalungkutan .
nahinuha na agad ng mga kasamahan na nawala na si Black Widow sa kanila .
matapos makapag luksa ng grupo ay agad sinimulan ni naTony Stark ang pag gawa ng Gauntlet .
matagumpay naman nila itong nagawa at nailagay nila ang six stones dito .
sinabi ni Rocket na . okay gawa na ang Gloves , ang tanong ngayon ay kung sino ang gagamit nito para mag snap .
nag boluntaryo si Thor ngunit pinigilan sya nina Stark , Rogers at Lang ,
nakiusap si Thor na sya na ang gumamit upang mapawi ang lahat ng bigat sa kanyang kalooban ,
ngunit ipinaliwanag ni Iron Man na hindi pupuwedi si Thor dahil nag ri react ang katawan nito sa mga Radioation Energy katulad ng Lightnings and other Electric Voltex , kung kaya sinabi ni Bruce na , ang tanging may kakayahan lang na katawan para matagalan ang radiation nito ay sya dahil sa kanyang healing ability .
sinimulan ng avengers ang kanilang final move , isinuot ni Hulk ang Gauntlet , pagkasuot na pagkasuot palang nya nito ay halos paralisain na agad nito ang kalahati ng kanyang katawan .
hirap man maigalaw ni Hulk ang daliri ay nilabanan nya ito hanggang sa matagumpay nyang ma i snap ang kanyang daliri kasabay ng kanyang paghiling .
agad nawalan ng malay si Hulk sa gamma radiation ng gauntlet , inagapan ng mga kasamahan si Bruce , agad na inisprayhan ni Iron Man ang braso ng kasama upang temporary na tumigil ang flow ng dugo at cosmic energy na mula sa gloves.
agad nakita ni Scottlang na ang garden dati na wala ng buhay ngayon ay namumukad kad na ulit kasama ang mga hayop, nag ring ang telepono ni Clint at nakita nyang tumawag sa kanya ang asawang si Laura ,
dito ay nakumpirma nilang nagtagumpay sila sa pag revive sa mga nawala 5 years ago .
bago pa man sila makapagdiwang , ay naka pag travel to na sina thanos , agad nitong pinaulanan ng massive attack ang Avengers HQ.
lusaw na lusaw ang kanilang base. mabuti nalang at walang nasawi sa kanila ,
sa kanilang paglabas ay nakita nila si Thanos na nakaupo at tila hinihintay sila .
agad nagkaroon ng masibsibang labanan mula kay Thanos , Iron Man , Captain America at Thor ,
pinagtulungan nilang atakehin ang Mad Titan ,ngunit lubhang mas malakas ito at mas makapangyarihan kahit pagsama samahin pa ang angking lakas at abilidad nilang tatlo .
habang si Thor ay binubogbog ni Thanos ay sinubukan ni Thor na kuhanin ang kanyang Sandata , ngunit maging ito ay kayang mahawakan at maiusog ni Thanos patungo sa dibdib ni Thor ,
gumalaw ang Mjolnir ,
at inatake si Thanos , dito napag alaman ni Thor na kaya din pala ni Captain America na gamitin ang MJo.
natuwa si Thor sa kabila ng pagkabigla nito .
hinarap ni Thanos si Captain America , ginamit ni Captain ang Mjolnir upang iupper-cut ang titan ,
maganda ang ipinakitang galawan dito ni Captain America , halinhinan nyang ginagamit ang Shield at ang Martilyo ni Thor , nanduon pa yun nakagamit sya ng thunder through mjolnir .
datapwat , agad nakabawi si Thanos , inihambalos nya si Captain America nung nagkaroon ito ng pagkakataon ,
kinuha ni Thanos ang kanyang sandata at inatake si Capt. nasugatan si Captain America sa paa at naitapon nya papalayo ang hawak nyang Mjolnir .
sunod sunod syang iniitak ni Thanos na naging rason para magkanda wasak wasak ang kanyang panangga.
isang final blow ang pinakawalan ni Thanos na nagpabagsak kay Steve Rogers.
dumating ang libo libong armies ni Thanos na mas lalong ikinadehado ng ating mga bida ,
libo libong mga cosmic soldiers na may mga gigantic monsters at at space warships,
patakbong sinugod sila ng mga ito , ngunit sa kabila ng kawalang pag asa ay pinilit pa rin ni Captain America na tumayo na tila plano nyang labanan ito mag isa , ng sa kanyang paglalakad ay may narinig syang kasamahan na nagra radyo sa kanya ,
nabuhayan ng loob si Captain America ng makita ang pagdating ni Black Panther kasama ang heneral nito at ang kapatid , kasunod nito ay ang paglipad ni Sam , at ang paglabas ng marami pa nilang mga kasamahan sa tulong ng portal na ginawa nina Wong at Dr. Strange ,
lumabas din ang mga pangunahing bida tulad ng mga characters sa Guardians of the Galaxy , Spiderman , Kamarta Warriors , Buck at Groot , Valkyrie a Asgardians , Wanda , Wasps , at marami pang iba .
muling nabuhayan ng loob si Thor at Iron man , ngayon ay handa na muli sila sa pakikipag laban ,
mas lalong nabuhayan ng loob si Tony Stark ng maging ang asawa nyang si Ms. Spots ay sumali na rin sa labanan ,
lumabas na rin si Ant-man bilang isang Gigantic Hero , si Hul , War Machine , at Quill Rocket ,
napaka asttttttiiiiigg ng labanang naganap sa pagitan ng dalawang panig ,
mala trojan war ang nangyari digmaan , libo libong mga heroes at characters ang makikita at makikitaan ng samut saring kanya kanyang kapangyarihan at abilidad ,
naging mag partner sina tony at spots , samantalang si Thor at Captain America naman ay salitang ginagamit ang Mjolnir at ang Martilyo ni thor ,
masayang masaya si Spiderman na muli nyang nakita si Tony Stark , hindi ito magkanda mayaw sa pagkwento ng kung ano ano kay Iron Man , niyakap ito ni Tony Stark dala ng emosyon na kasiyahang nadarama,
nahirapan naman si Star-Lord sa mga kalaban , napuksa nya ang mga ito ngunit napatumba naman sya ,
nakita nya ang Team Thanos Gamora , nagulat si Star Lord sa pag aakala nitong ang gamora na kanyang nakikita ay ang kanyang pinakamamahal na kasintahan ,
nilapitan nya ito at sinubukang hawakan sa mukha ng pumalag ito at atakehin sya sa kaselan ,
dumating ang team thanos Nebula at itinanong ng kapatid kung ito ba talaga ang future boyfriend nya at sinabi ni Gomora na parang imposible nyang magustuhan ito .
inutusan naman ni Captain America si Clint Barton na ilayo an Gauntlet at plano itong kuhanin ni Thanos para tuluyan silang burahin sa planeta ,
sinabi ni Hulk na hindi maaaring mawala ang Gauntlet sa kamay nila dahil kailangan nilang maibalik ang mga bato sa mismong oras na kinuha nila ito ,
ngunit sinabi ni Iron Man na hindi na nila ito maibabalik dahil , sinira na ni Thanos ang Quantum Tunnel , ngunit sinabi ni Ant Man na merun pa silang pag asa , hindi lang naman ang quantum tunnel ang gateway nila , maaari pa rin nila gamitin ang van ni Scott Lang na kung saan duon nag originate ang ideas nila ng time travel ,
kung kaya inutusan ito ni Captain America na i fix ito as soon as possible ,
agad naman itong sinunod ni Scott lang kasama si Wasp.
samantala habang busy si Dr. Strange sa pakikipag laban ay inabala ito ni Iron Man at sinabing ,
diba sabi mo out of 14 million ay may isang panalo tayo , sabihin mo sa akin kung ito na yun ,
sinagot ito ni Dr. Strange na kung sasabihin ko sayo , hindi iyon mangyayari .
nakita ng heneral ni Thanos na bitbit ni Clint ang Gauntlet kung kaya tinarget ng grupo ng kalaban ang paghabol kay hawkeye ,
napansin ito ni Blank Panther na tinatarget ng mga cosmic soldiers ang gauntlet kung kaya sinabi nito na ibigay sa kanya ang gloves dahil mas mabilis at mas makapangyarihan sya ,
dahil sa angking bilis at kakayahan ni Black Panther ay mas mabilis nya itong nailalayo sa mga kalaban , datapwat nabitiwan nya ito ng ttamaan sya ng sandata ni thanos na itinapon sa kanya ,
patakbong pupuntahan na sana ni Thanos si Black Panther ng harangin ito ni Wanda ,
kitang kita sa mukha ni Wanda ang galit nito sa Mad Titan , sinabi pa nitong ,
Kinuha mo ang lahat sa akin , ngunit binastos ito ni Thanos at sinabing ni hindi nga kita kilala,
dahil dito ay mas lalong nainis si Wanda kung kaya gamit ang kanyang kapangyarihan ay halos mapatay nya na si Thanos , upang malagpasan ito ng mad titan ay iniutos nito sa kanyang heneral na gamitin ang rain fire na naging dahilan para ikasawi ng libo libong mga mandirigma kasama na ang sarili nilang mga sundalo .
malapi ng makuha ng heneral ni thanos ang gauntlet kay Black Panther ng dumating si Spiderman at ito ang nagdala ng gloves,
ginamit ni Spiderman sa unang pagkakataon ang Instakill datapwat sa sobrang dami ng sumusugod sa kanya ay hindi nito nakayang i okupa ang lahat ng kalaban ,
tinulungan ni Captain America si Spiderman sa pamamagitan ng pagtapon ng Mjolnir upang may makapaitan si Spiderman ,
sa ere ay tinamaan ang gagamba kung kaya muntik na itong bumagsak , mabuti na lamang at tinulungan ito ni Mrs. Stark o Ms . Spots , ipinasa ito kay Valkery ,
tinamaan sila pareho ng rain fire ni thanos kung kaya bumagsak sa lupa si Spiderman ,
marami sa mga avengers ang nahirapan dahil sa pagpapaulan ng atake ng kalaban , biglang tumigil ang space warship ni Thanos ay may inatake ito mula sa malyo , natigilan ang lahat ng makita nila ang pagdating ni Captain Marvel ,
winasak nito ang starship sa pamamagitan lamang ng isang atake ,
lumapit ito kay Spiderman at hiningi ang gauntlet ,
nag alangan naman si Spiderman ngunit ibinigay nya rin ito ng makumpirma nyang isa ito sa mga kakampi nila .
nagkasama sama ang mga babae ng marvels, ipinakit anila ang lakas ng feminine power of avengers.
sa 2nd round ng kanilang labanan ay muling nagkaroon ng masibsibang labanan sa bawat panig ,
ipinakita ng lahat ang kani-kanilang angking galing at abilidad sa pakikipaglaban ,
maging ang mga warship ay inisa isa nilang wasakin , mga sundalong nasa kalupaan at nasa itaas ay lahat ay tinutupok at nilulusaw nila .
malapit na si Captain Marvel sa Quantum Tunnel sa Van Ni Scott Lang ng mapansin ito ni Thanos , kung kaya tinapon nito ang kanyang sandata na naging dahilan para sumabog ang time travel pathway .
sa lakas ng impact ay tumilapon si Captain Marvel at nabitawan ang Gauntlet ,
nakita ito ni Iron Man at inagapan na huwag makuha ni Thanos , inatake lang sya ni thanos at tumalsik si Iron Man , inagapan din ni Thor na wag makuha ng titan ang gauntlet , muli nya itong inatake ,
pinagtulungan ni Thor at Captain America ang titan ,
ngunit dahil hindi nila kalevel ito kung kaya kahit na dalawa na sila ay nabugbog pa rin silang nito.
nadampot na ni Thanos ang Gauntlet,
ngunit bago nya ito maisuot , ay sunod sunod na inatake sya ni Captain Marvel ,
halos hindi makagalaw si Thanos sa bilis ng mga atake nito ngunit natamaan sya ni thanos na ikinatalsik ng babaeng hero ,
naisuot ni Thanos ang gauntlet at ngayon ay ang kailangan nya nalang gawin ay i snap ang kanyang daliri , bagamat bago pa man nya ito magawa ay muli syang inatake ng babae ,
katulad ni thanos ay may taglay ding cosmic power si Captain Marvel kung kaya katulad ni Wanda ay kaya din nitong make-level ng lakas at kapangyarihan sa titan , isang final blow na ang papakawalan ni Captain Marvel ng kuhanin ni Thanos ang Power Stone at gamitin ito para ma amplify ang lakas ng papakawalan nyang suntok ,
naging dahilan ito para tumalsik ng tuluyan si Captain Marvel ,
sinenyasan ni Dr. Strange si Tony Stark na anuman ang nasa isip at plano ni Iron Man ay yun ang 1 in a 14 millions chances na ikakapanalo nila .
kung kaya ng mailagay na ni thanos ang lahat ng stones at sisimulan nya na ang pag wipe out ay hinawakan ni Iron Man ang Gauntlet , ngunit dahil mismatch ang kanlang power level ay madali nya lang napabagsak si Tony Stark ,
ngayon ay wala ng makakahadlang kay thanos sa kanyang pagpi finger snap ,
sinabi nito ang kanyang signature line na
i am thanos and i am INEVITABLE , kasabay nito ang pag snap ng kanyang daliri na ikipinagtaka nya naman na hindi gumana , agad nyang tiningnan ang suot nyang gauntlet at dito nya natuklasan na wala na ang mga bato dito ,
tumingin sya kay iron man at dito nya napagtanta na gamit ang advance technology ni iron man ay nagawa nitong mailipat sa kanyang iron man suit ang mga bato ,
bago mag snap ng finger si Tony ay nag iwan din ito ng kataga na hindi kailan man malilimutan ng mga avengers fan , at ito ay ang
I AM IRON MAN ,
matapos nito ay unti unting nawala ang mga tropa ni Thanos at maging ang mad titan ay nalusaw na parang buhangin sa dagat ,
at dito na natin tatapusin ang kwento mga kaibigan , sana ay nagustuhan nyo ang ating istorya ngayon ,
alam nyo ba mga kaibigan para lang sa kunting trivia ,sa pagsusulat ko palag ng script nito ay inabot ako ng halos 3 linggo ? tama kaibigan 3 weeks kong isinulat ang scripting nito kung kaya halos mag iisang buwan din tayong hindi nakagawa ng content , pero sulit naman , kasi naisalaysay natin sya ng halos para mo na rin napanood ang kabuuan ng video ,
kaibigan maraming maraming salamat ha sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , marami pa tayong videos na kagaya nito kung kaya wag kalimutan mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell , matatapos at mauubos din natin ang lahat ng marvel movies , tsaga tsaga lang hehehehe.. hanggang sa muli kaibigan , ako si Richard Belen , Ba bye ,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento