sisimulan natin ang kwento sa isang paghahanda ng dalawang miyembro ng sindikato na kung saan ay ilegal silang nagde deliver at nagpo provide ng mga sandata sa mga terorista ,
habang nasa kasagsagan sila ng pagpaplano ay nakaramdam ng kakaiba si Njobu kung kaya inutusan nito ang kasama na itago ang mga sandata,
naunang pumasok ang dalawang sundalo ,
matapos magpakilala ang lalaki at maipakita ang kanyang marka sa labi ay nagdilim ang paligid at syang paglabas ng kanyang kapatid na hari ng wakanda na si King TChaka ,
inutusan nito na iwanan sila ng dalawang sundalo at ni James na kaibigan ni Njobu , ngunit ipinakiusap ng lalaki na hayaang nasa tabi nito ang kaibigan ,
pinahintulutan naman ng hari ang kahilingan ng kapatid ,
malugod na nagkayakap ang magkapatid at kinumusta ito ni Tchaka ,
ibinalita ni Tchaka sa kanyang kapatid na hindi maayos ang kalagayan ngayon ng Wakanda ,
na isang Ulysess klaue ang nakapasok sa wakanda at nagnakaw ng tone toneladang vibranium ,
na ikipinagtataka nila kung papanong nakapasok ito at alam din nito ang sekretong passage sa border ng wakanda ,
ibinalita rin nito na sa pagpapasabog nito ay marami ang nasawi sa kanilang lahi.
sinabi ng hari na kilala na nila kung sino ang kasabwat nito na traydor sa kanilang lahi .
tumingin ito kay Njobu at tinanong ito kung bakit nito nagawang pagtaksilan ang Wakanda .
itatanggi pa sana ni Njobu ang lahat ng ipakita ni James ang kanyang Wakandian Mark sa labi at nagpakilala sa totoo nitong pangalan na Zuri Son of Badu...
isinama nina king tchaka ang prinsipe pabalik ng wakanda upang pagdusahan at harapin nito ang pagtataksil na ginawa ni Njobu.
habang busy sa paglalaro ang anak nito ay nakita nya ang spacecraft ng kanyang tiyuhin at mga sundalo nito ,
sa unang tingin at alam nya ng wala na ang kanyang ama sa kanya .
kaibigan maraming maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , ang kung sakali na ngayon lang tayo nagkatagpo sa pamamagitan ng video na ito ay please lang ,wag kalimutan mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell , ang titulo ng video natin ngayon kaibigan ay Black Panther 2018 , simulan na natin ,
kasalukuyang nagluluksa si TChala sa pagkawala ng kanyang amang si Tchaka , matapos ang terorrist attack gawa ng Hydra , bago sya tuluyang hirangin bilang isang bagong hari ay nagpasama sya sa kanyang heneral na si Okoye upang sunduin si Nakia sa Sambisa Forest sa Nigeria na kasalukyang under ng isang mission ,
pagkababa ng space warship ni Tchalla ay nagtapon ito ng vibranium stone na naging dahilan para magloko ang mga sasakyang ginagamit ng mga terorista ,
bumaba ang mga armadong kalaban at nakita nila ang nakadikit ng vibranium steel sa kanilang sasakyan , agad silang bumuo ng defense position upang ihanda sa kung anumang pag atake ang darating ,
ginalugad ng mga terorista ang paligid , nakakita sila ng isang aso na may kinakahulan sa itaas , at sa kanilang pagtingala ay nakita nila si Black Panther ,
inatake ito ni Blank Pather , nataranta naman ang iba pang sundalo kung kaya pinaputukan nila ang pinanggalingan ng pag atake , inisa isa ni Black Panther ang mga kalaban ,
sa sobrang bilis ni Black Panther ay hindi nila sya makita ,
kinuha ni Nakia ang baril ng kalaban at sumali sa labanan ,
isang binatilyo ang nakakita at nakakuha ng magandang angulo para patamaan si Tchalla ngunit hindi tumatalab ang baril ng binatilyo sa kasuotan ng prinsipe ,
malapit na si Black Panther sa lalaki at akma nya na itong aatakein ng awatin sya ni Nakia at sinabing bata lang ito at kasama rin sya sa mga nakidnap ng mga terorista ,
natulala si Tchalla sa kanyang pagkakita kay Nakia kung kaya hindi nya napaghandaan na isa na palang terorista ang nakatutok ang baril sa isa sa mga bihag , mabuti nalang at dumating si Heneral Okoye at inatake nya ito mula sa likod .
ipinahayag ni Tchalla kay Nakia na wala ang haring TChaka at sya ay nakatakdang koronahan bukas kung kaya ninananis ni Tchakka na nanduon ang presensya ni Nakia , pumayag naman si Nakia na sumama at bumalik sa Wakanda ,
matagumpay na nakabalik ng wakanda ang tatlo ,
sinalubong naman sila ng inang reyna at ang kapatid nitong si suri ,
nagbigay ng pakikiramay si Nakia sa pamilya ,
nagpasalamat naman ang reyna at sinabi nitong nalulugod syang muling makita ang dalaga ,
sinabi ni Black Panther na nasurpresa sya na dumating din ang kapatid para umattend sa kanyang coronation , ngunit sinabi nito sa kanyang kuya na ,
ASA KA , hindi ako naparito para sayo , kungdi dahil may bagong update ako sa black panther suit .
sinabi ni Tchalla na hindi na kailangan ito i update dahil perpekto na ito .
ngunit sinabi ni Suri na hindi porke gumagana ang isang bagay ay hindi na ito pupuweding i improved .
kinumusta ni Tchalla ang Mother Queen ,
sinagot sya nitong natutuwa sya at proud sya sa kanyang anak na si TChalla ,
Sa London, sa museum of Great Brittan ,
si Jordan Erik Killmonger , Pinsan ni Black Panther , ay manghang mangha sa mga nakikita nya sa museum ,
dumating ang isang staff at binati sya nito at nag alok ng kung ano ang kanyang maaaring maipagsilbi kay Jordan ,
nagpatulong ito upang malaman ang mga information about sa mga artifacts,
una nyang itinanong ang Maskara kung saan ito nagmula ,
sinagot naman ito ng Staff na ito ay ang tinatawag na The Bobo Ashanti Tribe mula sa Ghana, na nakuha nung 19th century ,
sumunod ay ang maskara mula sa Benin , maskara ng mga edo people ,
taong 16th century
at ang huli ay ang palakol na sinabi ng staff na mula sa seventh century at galing din sa Benin sa tribu ng Fula ,
ikinorek ito ni Erik at sinabing mali ang sinabi ng babae ,
, hindi ito galing sa Benin kungdi ito ay galing sa Wakanda ,
nagulat at kinabahan ang Staff sa impormasyong mayroon ang lalaki , kung kaya pinakiusapan nitong umalis si Jordan Erik sa Museum .
sinabi ni Erik Jordan na , punong puno kayo ng security pero ang hindi mo iningatan ay kung ano ang ipinapasok mo sa iyong sikmura ,
napagtanto ng babae na may lason ang kanyang iniinom ,
agad nawalan ng malay ang babae bago pa palabasin si Jordan ,
inagapan ng mga gwardiya ang babae ,
ang mga kasama ni Erik ay naka ready na rin at plinano nila ito ,
naka costume ang mga ito bilang mga medic ,
pagkadating ng dalawa ay pinagbabaril nito ang mga security guards ,
ang babae naman nilang kasama ay hinack ang security cameras upang hindi maalarma ang mga tao sa paligid ,
si Ulysses Klaue ay may kakayahang wasakin ang anumang bagay na kanyang mahawakan , sinubukan nyang wasakin ang Vibranium ngunit hindi ito nasira sa halip ay mas lalo itong kuminang na tila naging bago ulit .
sa wakanda ay nagsimula na ang mga seremonya at pagdiriwang ,
sa isang napakagandang scenery gaganapin ang koronasyon kay Tchalla,
inintroduce ni Zuri ang prinsipe ,
pinainom nya ito ng isang liquid Herb na kung saan ay nag react ang katawan nito na tila hirap na hirap sa ininduce na likido.
mabilis lang din naman na nakabawi si TChalla matapos ang ilang segundo .
isang pagpapadaan or shortcut to the throne ang iniaalok ng para sa bagong hari ,
na sinuman sa representative ng tribu ay maaaring i challenge ang nakatakdang maging hari ng wakanda .
Ang Merchant Tribe ay tumanggi sa dwelo ,
Ang Border Tribe ay tumanggi rin sa dwelo ,
Ang River Tribe ay tumanggi sa dwelo,
Ang Mining Tribe ay tumanggi sa dwelo ,
nagulat ang lahat ng sa Royal Blood ay may nagtaas ng Kamay at ito ay ang kapatid ni TChalla ,
ngunit joke lang pala ang lahat , kung kaya kinurot ito ng mother queen ,
napangiti nalang si TChalla sa kalokohan ng kapatid ng sa di kalayuan ay naririnig nila ang
Javari Tribe , ito ay pinamumunuan ni MBaku at naghahangad ito ng dwelo sa black panther .
bago sila magsimula ay ininsulto nito ang pamumuhay ng wakanda sa maling pamamalakad at maging si TChalla na mismong ang buhay ng ama ay hindi nito nagawang iligtas , tapos ngayon ay mamamahala sa Wakanda .
sinimulan ng dalawa ang paglalaban ,
unang napatumba si T Challa Dahil sa angking pisikal na lakas ng javari warrior ,
nakabawi naman si Black Panther sa pamamagitan ng pagsipa nito sa dambuhalang kalaban ,
muling napabagsak si TChalla , kitang kita sa mukha ng mga manonood ang pag aalala ,
magkakasunod na suntok ang pinakawalan ni Black Panther , na ikipinanghina ni MBaku datapwat ay
na grab sya nito , na halos ikabali ng buto nito, hini head bat sya ni MBaku na naging rason para dumugo at mahilo si TChalla ,
mula sa malayo ay nakikita ni TCHalla ang kanyang ina na sumisigaw kung kaya mas lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe at gumanti ito ng atake sa ulo ni MBaku .
nawasak ang maskara nito , at katulad ni TChalla ay nagkasugat din ito sa ulo , ginamit nito ang spear at itinarak sa dibdib ni T Challa ,
sa kabila ng sakit ay pinilit hinugot ng black panther ang talim at muling inatake si MBaku ,
nag mala Eddie Gordo ang galawan ni TChalla ,
na grab nya ito ,at pinakiusapan ni Black Panther na mag Yield ito upang hindi na mauwi sa pagpaslang sa Lider ng Javari Tribe .
alam ni Mbaku na natalo na sya sa laban kung kaya ay nagpahayag ito ng pagsuko at pagkilala ng pagkapanalo ni TChalla .
isinuot ni Zuri kay TChalla ang Kwintas ng Pagkilala , nagdiwang ang lahat sa pagkapanalo ng ating bida .
meeting with the ancestors ceremony ang gaganapin ,
ibabaon nila sa lupa si TChalla matapos nilang painumin ng Heart Shape Herb si TChalla ,
sa kanyang ancestral plane travelling ay muling nagbalik ang ala ala ni TCHalla sa kung papanong sumabog ang building na kung saan pati ang kanyang ama ay naroroon din ,
muling nagbalik ang lahat ng kirot na nararamdaman ni T Challa sa pagkawala ng amang hari , sa kanyang pagbangon na nasa ancestral plane ay nakita nya ang apat na Black Panther sa isang puno , lumapit sya dito at nakita nyang lumapit sa kanya ang isang panther at nag transform ito bilang si T Chaka ,
nagkayakap ang dalawa sa muli nilang pagkikita ,
nag tumikluhod si T Challa sa paanan ng kanyang ama ngunit pinatayo sya nito at sinabing isa ka ng hari kung kaya hindi marapat kang magnikluhod sa akin ngayon ,
sinabi ni T Challa na hindi pa sya handa maging hara ,
alam ni TChalla na kailangan nya pa ang kanyang ama ,
tinanong ni T Challa kay T Chaka kung ano ang pinaka Best Way para protektahan ang Wakanda ,
sinagot naman ito ng dating hari na ,
upang maipagtangol mo ang wakanda ay kailangan mong mapaligiran ng mga mapagkakatiwalaang tao na tapat na magsisilbi at tutulong sayo sa anumang pakikipagbaka mo sa pagiging hari .
matapos nito ay nagising si T Challa , nakangiti itong sinabi kay Zuri na nakausap nya ang dating hari .
habang nag uusap ang heneral ni T Challa at si Black Panther ay tumawag sa kanila si Okoye ,
nagkaroon sila ng pagpupulong at inireport ni Okoye na may nagnakaw ng Wakandian Artifacts sa British Museum , at nakompirma nilang ang nagnakaw nito ay si Ulysses Kaue
at base sa nakuha nilang intel ay nakatakda itong makipagkita sa isang american agent sa south korea upang ipagbili ito .
kung kaya ipinagpasya ni Haring TChaka na hulihin si Klaue at sya mismo ay sasama sa misyong ito .
nag request si Wakabi na isama sya ni Black Panther sa misyong ito , ngunit hindi ito tinulutan ng hari at sinabing , hindi pupuweding walang maiwang mahusay na mandirigma sa wakanda .
manatili ka dito upang ma ensure na napo protektahan ang ating bansa . ipinangako ni King T Challa kay Wakabi na iuuwi nyang buhay Si Klaue sa Wakanda upang mapagdusahan ang mga kasalanan nito lalo na sa pamilya ng kanyang heneral.
bago sumabak sa misyon si T Challa ay pumunta ito sa lab ng kanyang kapatid na si Suri
, binati sya nito at nagtumikluhod bilang pagkilala sa hari nguit sinaway ito ng kuya .
sinabi nitong tuloy na tuloy na ang kanilang misyon at kasama nya sina Okoye at Nakia ,
sinabi ng kapatid na tamang tama mayroon akong bagong update sa black panther ,
binigyan nya ng Sneaking Sandals si T Challa at hangang hanga naman dito si Black Panther ,
na aaplify nito ang bilis ng gumagamit at kahit gaano kalakas ang kalabog na gawin ng sumusuot nito ay hindi ito makakalikha ni kaunting kaluskos ,
ipinakita rin nito ang ibat ibang disensyo ng black panther suit na kanyang inapdet
may pinili na isa si T Challa , binigyan nya ng access ang kapatid na makontrol ito ,
sinabi ni Shuri sa kanyang kuya na atakehin nya ito .
sinipa ito ni TChalla at parang manikang de hangin lang na tumalsik ito ,
sinabi ni Shuri na hindi dapat ganun kalakas ,
sinagot naman ito ng kapatid na , dapat sinabi mong mahina lang pala .
binuhat ito ni Shuri at muling inilgay sa pwesto , inutusan nya ang kapatid na muling sipain ito ng hari sa parehong parte ng pagkaka sipa nya kanina .
nagtaka naman si T Challa bakit kailangang i video ng kapatid ang gagawin nyang pag atake .
ipinaliwanag ng babae na for RESEARCH PURPOSES ONLY .
kung kaya napanatag si T Challa at muli nya itong inatake .
sa kanyang pagkagulat ay imbis na ang suit ang tumalsik ay si T Challa ang gulat na gulat na tumilapon sa kanyang pag atake ,
bully naman si Shuri na pinagtatawanan ang kapatid , na irecord nya ng maganda ang lahat ng pangyayari ,
sinabi ni Black Panther na pinagtitripan sya ng kapatid at kailangang burahin ang video na iyon .
sa Korea , lulan ng kotse ang tatlong mandirigma at bayani ng Wakanda, SI T Challa , Nakia , at Okoye ,
iritable naman si Okoye sa kanyang pelikula kung kaya sinabi nito na kailangang mabilis nilang magawa ang kanilang misyon dahil naaasiwa sya sa kanyang suot.
sinabi ni Nakia sa Heneral na tiisin lang nito , kinakailangan nilang gawin ang pag papaganggap upang lubusang makapasok sa teritoryo ng kalaban .
binati ni Nakia si Sophia , isang Fake Merchant ngunit parte ng isang napakalaking sindikato sa korea ,
tinanong nito kung sino ang kasama nito ,
sinagot ito ni Nakia , na mapagkakatiwalaan ang mga yan at mayayaman ,
natuwa naman si Sophia sa kanyang narinig kung kaya sinenyasan nito ang guard at pinapasok sila sa isang lihim na meeting place ng mga taong may ginagawang illegal .
naghiwa hiwalay ang tatlo upang mahanap nila kung sino ang ka transaction ni Klaue , at upang agaran nilang madakip ang kanilang pakay .
sa gitna ng kanilang pagmamatyag ay nakita ni T CHalla ang kaibigan nyang CIA na si Everest Ross ,
nilapitan ito ni T CHalla at tinanong bakit sya nakikipagkasundo sa isang teroristang si Klaue ,
ngunit sinabi ni Agent Ross na , sa ngalang ng Gobyerno ng US . ang aming misyon ngayong gabi ay wala kang kinalaman mahal na hari .
at sinabi rin nito na kung anuman ang balak ni King T Challa ay siguraduhin nitong hindi ito makaka apekto sa misyon ng mga CIA .
binalaan ito ni T Challa na , mas mahalaga ang misyong gagawin ngayon ng kanyang Team at pinaalalahanan ni Black Panther ang Agent na maaaring maging dahilan ito ng pagkawala ng buhay ng agent kung magiging persistent pa rin ito .
niradyo ni Agent Ross sa kanyang mga kasama na may problema sila at ang transakyon nila kay Klaue ay maaaring magulo dahil sa pagpapakita ng presensya ng hari ng wakanda.
muling lumapit si Ross kay T Challa at muli itong nakiusap sa black panther na kung maaari ay wag nitong guluhin ang negosasyon nila ni Klaue , ang misyon na ito ay napaka importante para sa kanya , ngunit sinabi ni Black Panther na
Di ba nga sabi ko sayo , mas mahalaga ang misyon naming ito .
dumating ang grupo ni Klaue,
binati nito si Sophia at tuloy tuloy na pumasok ,
agad nyang nakita si Agent Ross ,
agad din naman nakita ito ng team ni T Challa ngunit maingat sila sa bawat galaw,
nabigla naman ang Pangkat nila ng mapag alaman nilang armado ang mga kasama ni Klaue , kung kaya nag iba ng plano ang grupo ni T CHalla ,
sinabi nitong hindi nila pweding hulihin dito sa loob si Klaue dahil marami ang madadamay ,
ngunit sinabi ni Nakia na kung hindi natin sya huhulihin ngayon ay kailan pa tayo muling magkakaroon ng pagkakataon ,
kung kaya sinimulan nilang magsimula ng gulo at makipag laban sa mga tauhan ng CIA at Klaue.
dahil dito ay naalarma si Klaue at maging ang kanyang ka Deal na si Agent Ross ay pinagbabaril nito , mabuti na lamang at tinulungan ito ni T Challa ,
nagkaroon ng mahuhusay na labanan sa 3 panig , sa team ni Klaue , sa pangkat ni T Challa at sa grupo ni Agent Ross ,
bagamat walang suot na suit si T Challa ay nagpakita pa rin ito ng husay sa pakikipag laban sa hand to hand combat , maging si Nakia ay kinakitaan din ng angking galing sa pakikipag buno sa mga lalaking amerikano , si Heneral Okoye ay ginamit na rin ang Wakandian Spear nito upang matalo ang mga kalaban ,
na corner ni T Challa si klaue , itinaas nito ang kamay tanda ng pagsuko ngunit inihanda lang pala nito ang kanyang hand power blast weapon upang atakehin si Black Panther ,
sa lakas ng pagsabog ay tumalsik si T Challa , sinubukang habulin nina Okoye at Nakia ang kalaban ngunit nakasakay na ito ng kotse at iniwanan sila .
inactivate ni Black Panther ang Automatic Remote Driving System . ( 42:00 )
sumakay si Shuri upang maging virtual driver ng automated car ,
sumakay sa bubong si T Challa na ngayon ay nakasuot na ng suit ni Black Panther ,
upang mailigaw ang pangkat ni T Challa ay naglakbay ng magkaibang ruta ang grupo ni Klaue , kung kaya nagpasya din sina Nakia at Black Panther na maghiwalay upang ang isa sa kanila ay mahabol ang sasakyan ng kalaban .
sinubukang paputukan ng mga kalaban ang sasakyang gamit nina Nakia at Okoye ngunit hindi ito tinatablan ng bala kung kaya niradyo sila ni Klaue at sinabing ang hihina ng mga ulo nito at binabaril nila ang isang Vibranium na sasakyan .
nainip si Okoye sa paghabol sa sasakyan kung kaya nagpasya itong lumabas ng kotse ,
inatake nito ang sasakyan na agad naman nahati
pinaputukan din ng mga kaaway si Black Panther , dahil naka suit si Black Panther ay hindi rin ito tinatablan ng bala ,
nag overtake si Shuri , hindi makita ng mga kalaban kung saan nagpunta si Black Panther ng biglang magpakita ito sa kanilang harap na nasa ibabaw ng makina ng kotse at inatake sila nito , taob ang sasakyan ng mga kalaban ,
tanging ang natitirang sasakyan nalang ngayon na hinahabol nina nakia at okoye ay ang sasakyan ni Klaue , dahil wala ng panligaw si Klaue kung kaya nagpasya itong lumabas ng sasakyan at inatake ang vibranium car nina Okoye at Nakia , dahil sa ang gamit ni Klaue ay isa ring sandatang vibranium ay nawasak nito ang sinasakyan ng dalawa , ligtas naman ang dalawa bagamat nawalan na sila ng pagkakataon na mahuli ang kaaway ,
dumating si Everest Ross at inalok ang dalawa na sumakay ng kotse ,
ngayon ay si Shuri at Black panther nalang ang humahabol sa one armed enemy ng wakanda ,
ginamit nitong muli ang kanyang wakandian weapon upang mawasak ang sasakyan na minamaneho ni Shuri .
wasak ang sasakyan at tumalsik si Black Panther ,
ngunit nagawa pa rin nitong maabot ang gulong ng minamanehong sasakyan ng kaaway at tuluyan nya itong napataob .
lumabas si Klaue , nilapitan ito ni Black Panther ,
muling nagpakawala ng blast attack ang kalaban ngunit inabsorb nalang ng suit ni Black Panther ang Kinetic Energy nito .
inatake ni Black Panther ang kalaban , nagmakaawa ito na wag syang sasaktan ni T Challa , akma ng kakalmutin ni Black Panther si Klaue ng patakbong sawayin sya nina Okoye at Nakia , sinabi nitong maraming Camerang nakatutok sa kanila at marami ang taong nanonood .
sa himpilan ng CIA ay nakatali si Klaue ,
kinausap ito ni Agent Ross at sinabi ang mga krimen na ginawa ni Klaue at ang mga maaari nitong kaharaping kaso ,
pinagtawanan lang ito ni Klaue ng sabihin nitong ninakaw nya ang lahat ng vibranium sa Wakanda ,
ininsulto nito si Ross at sinabing
naniniwala talaga kayo na ninakaw ko ang lahat ng vibranium sa wakanda ?
ang kinuha ko ay kapirangot , kumpara sa mga ganid na wakandians na bundok bundok ang vibranium na nagagamit nila sa pag gawa ng sandata at panggagamot ngunit ipinagdadamot sa mundo at itinatago ito para sa pansariling kapakinabangan ,
sumabog ang pader sa himpilan at dito ay sinagip nina Erik at ng mga kasama si Klaue.
matagumpay itong nakatakas ,
nagkaroon ng malubhang tama si Agent Ross ,
dinala nina T Challa si Everest sa Lab ng kanyang kapatid na si Shuri upang gamutin ito .
dumating din si Wakabi sa Lab , sinalubong ito ni T Challa at malungkot na ibinalita sa kanyang heneral na hindi naging successful ang kanilang misyon ,
tiningnan nito ng may pagka dismaya si Black Panther at tumalikod .
samantala matapos iligtas nina Erik si Klaue ay pinagbabaril ni Erik ang kanyang mga kasama ,
ginawang pananggalang ni Klaue ang nobya ni Erik , ngunit maging ito ay walang awang tinira ng kakampi.
hinabol ni Erik si Klaue , ng sinubukan syang barilin nito ay sunod sunod syang nagpaputok ng baril hanggang sa matagumpay nitong matamaan si Klaaue,
ipinakita ni Klaue kay Erik ang kanyang marka na ginawa ng mga wakandian nung sya ay naging bihag nito ,
ngunit sinabi ni Erik na masyadong maliit yan kumpara sa mga markings na nakuha sa pakikipaglaban ,
hindi dito naniwala si Klaue at sinabing kusang nilagyan lang yan ni Erik , ngunit laking gulat nito ng ipakita ni Erik ang kanyang Markings sa labi na nagpapatunay na isa syang wakandian .
matapos nito ay binaril nya si Klaue.
sa pagbabalik ni T Challa sa Wakanda ay agad nyang pinuntahan si Zuri at prangka itong tinanong at pinaamin ,
kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanyang tiyuhin na si NJOBU at bakit hindi nito ipinagtapat sa lahat na mayroong anak ang kanyang tiyuhin na ngayon ay naging isa tuloy kriminal na palakad lakad sa labas ng wakanda ,
inamin ni Zuri ang lahat kay T Challa , kung papano nilang pinaslang ang Tiyuhin nito at iniwang mag isa ang bata sa labas ng wakanda ,
sa Border ng wakanda ay hinarang nina Wakabi si Erik ,
ipinakita ng lalaki sa tribu ang labi ni Klaue at sinabing isa syang Wakandian at nandito sya upang bawiin ang trono na matagal na nawala sa kanila . ( 01:01:25 )
nagising naman na si Agent Everest Ross sa kanyang pagkakatulog ,
agad nitong inapuhap ang kanyang mga sugat , at napag alaman nyang totally healed ang kanyang katawan ,
tinanong nya si Shuri kung nasaan sya at kung gaano sya katagal nakatulog ,
sinabi ni Shuri na nasa Kansas ito sa kanyang lab at nakatulog si Agent Ross ng halos 12 oras ,
ngunit itinangi ito ni Everest at sinabing imposibleng 12 hours lang akong nakatulog , walang sugat na gawa ng granada ang kayang gumaling sa loob lamang ng isang araw .
ipinaliwanag ni Shuri na pinagaling nya si Agent Ross gamit ang teknolohiyang Vibranium , at labis na mas mabilis ito kumpara sa mga normal na gamot na alam ni Everett .
kinausap ni Nakia si T Challa , ikwinento ni T Challa na masama ang kanyang loob sa mga nagdaang hari lalong lalo na sa kanyang ama , s pag paslang nito sa kanyang tiyuhin at pag abanduna sa kanyang pinsan na si Erik .
sinagot sya ni Nakia na walang perpektong tao at maging ang ama ni T Challa ay nagkakamali din , di yatat ang mahalaga ay wag hayaan ni King T Challa na maapektuhan nito ang kanyang pagkatao dahil sa huli , sya at sya pa rin ang magde desisyun kung anong klase hari magiging si Black Panther .
habang nasa kalagitnaan sila ng pag uusap ay tumawag si Shuri at sinabing kinakailangan ng Haring T Challa na bumalik ng palasyo dahil may isang estranghero nagpakilala bilang isang wakadian ang dumating at dala ang ulo ni Klaue.
sinimulang litisin si Erik Stevens sa harap ng konseho ,
sinimulang insultuhin agad nito si T Challa sa unang pagsasalita nito kung kaya nilapitan agad ito ni T CHalla at sinabing wala akong pakialam kung dinala nito ang ulo ni Klaue sa wakanda , at ang tanging rason kung bakit buhay pa ito ngayon ay dahil alam ni T Challa kung sino ito at ano ang relasyon nito sa pamilya nila.
tinanong din ito ni T Challa kung ano ang gusto nito ,
sinagot ito ni Esteven na ang gusto nya ay ang Trono,
pinagtawanan sya ng kongreso sa tinuran nito ,
kung kaya sinagot ito ni Killmonger na , bakit kayo tumatawa gayong hindi nyo pa naman ako kilala
hinamon nya ang hari na tanungin sya sa tunay nyang pagkakakilanlan ngunit tumanggi si T Challa ,
hanggang sa isa sa konseho ang sumigaw at tinanong kung sino ang lalaking nililitis ,
sumigaw si Erik Esteven sa kanyang totoong pagkatao na
AKO SI N'JADAKA , anak ni Prinsipe N'Jobu.
nagulantang ang lahat sa narinig , ngayon lang nila nalaman na mayroong anak ang dating prinsipe na si N'Jobu .,
isinalaysay nito sa konseho kung papano pinaslang ng dating hari ang sarili nitong kapatid , at sya ay may karapatan din sa trono dahil sya ay anak ng isang prinsipe at nakakatanda kay T Challa ,
hinamon nya ang kanyang pinsang si T Challa sa Battle Ceremony for the Throne ,
tinutulan ito ng Inang Reyna ngunit tinanggap naman ito ni Black Panther .
sa pagsisimula ng seremonya para sa trono ay
nagkaroon ng masibsibang labanan mula sa mag pinsan , naging magaling at mahusay si Erik sa pag atake , at makikita sa mukha nito ang determinasyon na mapatumba si king t challa ,
sunod sunod na inaatake nya ang hari datapwat sa unang pagkakataon ay napatumba sya nito ,
muling tumayo si N'Jadaka , muli syang naatake ni T'Challa at nasugatan ang mukha ni Erik .
naging persistent at desidido lalo si Steven na matalo ang pinsan ,
napatumba naman nito si T Challa , sunod ay nahiwa nito sa binti ang hari at sunod ay sa tyan , labis ang pag aalala ng mga manonood lalong lalo na ang pamilya ni Black Panther ,
tuluyang nasaksak nito sa sikmura ang hari na syang nagpahina sa pisikal na lakas nito .
sunod sunod na pinagsusuntok nito si T'Chall at ng akma ng tatapusin nya ito ay sinalag ni Zuri ang kanyang espada at sinabing sya ang dahilan ng pagkawala ni N'Jobu kung kaya marapat lang na sya ang singilin nito .
tulad ng sinabi ni Zuri ay kinuha ni N'Jadaka ang buhay nito at pagkatapos ay binuhat si Black Panther at itinapon sa napakataas na talon ,
agarang tumakas ang inang reyna kasama si Nakia at Shuri ,
hinirang na bagong hari si N'Jadaka .
katulad ng nakasanayan ay pinainom din si Erik ng Heart Shaped Herb at nakapag astral projection din , dito ay muli nyang nakausap ang yumaong ama ,
sa kanyang muling pag gising ay ipinag utos nito na sunugin ang lahat ng halaman , tinutulan sana ito ng wakandian ngunit sinakal ito ni Erik at sinabing sundin ang kanyang iniuutos ,
kung kaya ay sinunog nila ito .
nakakuha naman ng kaunti si Nakia bago ito tuluyang matupok .
sinubukan naman ni Nakia na isama si Okoye sa rebelion team ngunit tumanggi si Okoye at sinabing ang kanyang katapan ay nasa trono kahit sino pa mang hari ang maupo dito .
kung kaya apat nalang silang naglakbay papalayo sa Wakandian Palace at napunta sila sa bundok ni
Mbaku at dito ay hihikayatin nila si Mbaku na mag alsa laban sa bagong pamunuan ng wakanda .
tinanggihan naman ito ni Mbaku ngunit dinala sila ni Mbaku sa silid na kung saan ay naroroon ang katawan na commatized na si T ' CHalla .
ginamit nina Nakia ang nakuha nyang Heart Shaped Herb upang mapagaling si T Challa ,
muling nakapag astral travel si T Challa at muli nyang nakausap ang kanyang amang hari .
dito ay sinumbatan ni T Challa ang kanyang ama sa maling pagpapalakad nito sa Wakanda at sa pag paslang nito sa kanyang tiyuhin lalong lalo na sa pag aabanduna nito kay N'Jadaka na ngayon ay ang encumbent king ng wakanda.
matagumpay na muling nakabalik sa ulirat si T Challa ,
nagpasalamat sya kay MBaku sa pagsagip nito sa kanya at sa malugod na pagtanggap nito sa kanyang pamilya .
isa pang kahilingan ang ipinakiusap ni T Challa kay M'baku .
ang tulungan sya nitong mabawi ang trono sa wakanda , kinakailangan ni T Challa ng mga armies upang magawa ito .
ngunit tumanggi si Mbaku , ngunit kinalaunan ay napapayag nya ito.
Sa wakanda ay ipinag utos ni Erik Steven na magpakilala na ang mga Wakandians at ipamahagi sa buong mundo ang kaalaman , at teknolohiya ng vibranium ,
sinabi nitong tapos na ang pagiging ganid ng mga wakandians , panahon na para i share sa buong mundo ang teknolohiya na matagal na itinago ng mga wakandians ,
magsisimula na ang pagdi deliver ng mga vibranium sa labas ng wakanda ng pabagsakin ito ni T Challa .
natuwa ang ibang mga wakandians ng makitang buhay pa ang kanilang kinikilalang hari ,
maging si Okoye ay nakaramdam ng kasiyahan sa kanyang puso .
inutusan ni King N'Jadaka si Wakabi na atakehin si T'Challa ngunit sinabi ni Okoye na wag itong susundin ni Wakabi dahil ang Battle for the Throne ay hindi pa kumpleto dahil buhay pa si T'Challa at hindi pa nagdi declare ng pagkatalo .
datapwat
ipinag utos pa rin ni Wakabi sa kanyang mga ka tribu na atakehin ang haring tchalla .
dahil dito ay nahati ang wakanda ,
nagdesisyun ang ibang mga tribu na kalabanan si T Challa at ang iba naman ay kinalaban si king t'jadaka,
dahil sa marami na ang nasasawi ay pinakiusapan ni King T Challa si Wakabi na itigil na nito ang pagsunod kay Killmonger .
ngunit imbis na tumigil ay mas lalo itong nakipaglaban , ginamit nito ang trumpeta upang hudyatan ang mga ka tribu na mag all out at tinawag nya na rin ang alaga nitong gigantic animal upang sugurin si Black Panther ,
malapit ng masuro si Black Panther ng hayop ng harangan ito ni Okoye .
nakumbinsi ni Okoye na itigil na ni Wakabi ang pakikipag digma .
lumuhod si Wakabi at lahat ng mga ka tribu nito , tanda ng kanilang pagsuko .
samantalang nagatuloy ang labanan sa pagitan ng magpinsan na ngayon ay nasa loob ng lab at nasa daanan ng vibranium tren .
ipinag utos nito kay Shuri na patayin ang magnetic protection interferance upang mawalan ng bisa ang kapangyarihan ng suit ng dalawang black panther .
sa huli ay natalo ni T Challa si N'jadaka sa pamamagitan ng pag saksak ng kutsilyo nito sa tagiliran .
inalok ni King T Challa ang pinsan na maaari pa nila itong magamot , ngunit tumanggi si Erik Kill Monger at sinabing mas gugustuhin ko nalang na mamatay na may dangal kaysa ikulong at mabuhay na walang karangalan ,
dinala ni King T Challa ang kanyang pinsan sa tuktok ng palasyo at dito ay binawian ng buhay si Erik Esteven.
isa na namang magandang pelikula ang ating natapos kaibigan ,
ang titulo ng pelikulang ating ni recap ay Black Panther na ipinalabas noong 2018 at naging big hit international .
kaibigan maraming maraming salamat ha , sa patuloy na pagtangkilik at pag suporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , hanggang sa muli kaibigan , ako si Richard Belen , ba bye..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento