Miyerkules, Oktubre 12, 2022

Iron Man 2008 - Tagalog Movie Recap Scripts

 Afghanistan , 

sakay si Tony Stark ng isang Military Mobile upang ihatid ito matapos ang kanilang isinagawang Missile Test, 

ang lahat ay naiilang kay Tony Stark dahil sa pagiging sikat nitong personality . 

hindi nakatiis si Stark kung kaya kinausap nya ang mga ito , napanatag naman ang loob ng mga militar ng mapag alaman nilang hindi naman talaga as in suplado si Tony Stark gaya ng mga naririnig nila . 

habang masaya ang lahat at nagpi picture taking ay biglang nakaranas ang grupo ng pag atake , 

kitang kita ni Stark kung papano nauubos ang mga militar kung kaya napilitan itong lumabas ng sasakyan upang mailigtas ang sarili 

nagtago sya sa isang bato at sinubukang kumuntak ng tulong datapwat bago pa man sya matagumpay na makatawag ay lumapag sa harap nya ang isang bomba na sya mismo ang nag supply . 

sumabog ito at tumalsik si Tony , 

napagtanto ni Stark na malubha ang kanyang naging tama . 



sa pagbabalik ng kanyang ulirat , 

ay napapalibutan sya ng mga rebeldeng may hawak na camera at baril.


kaibigan , na miss ko kayo , matagal tagal rin bago tayo nakagawa ulit ng bagong video , 

naging busy kasi ako kaibigan sa pagso shoot , pero dahil wala akong naging sched ngayon ay nagawa natin ang pelikulang ito , na may pinamagatang IRON MAN . 

ito kaibigan ang kauna-unahang iron man na ipinalabas sa Marvel .

simulan na agad natin ..


nagising si Tony Stark na may nakakabit na swero sa kanyang ilong , 

mahaba man ito ay nagawa nyang matanggal ito , nakita nya ang isang lalaki na nag aahit ng balbas, 

napansin nyang may nakakabit na wire sa kanyang dibdib na konektado sa isang baterya ng sasakyan . 

binalaan ito ng lalaking kasama nya na wag nyang subukang tanggalin ang pagkakapit nito dahil ito ang nagiging dahilan kung bakit buhay pa sya hanggang sa ngayon . 

ipinaliwanag nito ang ginawa nya upang mailigtas ang buhay ng ating bida. 


habang nag uusap ang dalawa ay dumating ang mga rebelde , 

sinabi ng mama kay Tony na gayahin nito kung ano ang gagawin nya . 

itinaas nila pareho ang kanilang mga kamay , 

binati ng punong rebelde si Tony Stark , hindi ito maintindihan ni Tony kung kaya itina translate ito sa kanya ng kasama , 

sinabi ni Punong Rebelde na ninanais nilang tulungan sila ni Tony Stark na gumawa ng Missile ,

katulad na katulad sa idenimo nya na tinawag nyang Jericho Missile . 

sinagot ito ni Stark na hindi nya tutulungan ang mga rebelde kung kaya brutal sya nitong pinahirapan , 


matapos pahirapan si Stark sa paglulunod ay dinala naman ng puno ang ating bida sa labas upang ipakita ang mga sandatang ginawa ni Stark . 

pinangakuan nito si Tony na papalayain ito matapos makumpleto ang Jericho Missile. 


pumayag sa kundisyon si Tony Stark bagaman alam nyang hindi nito tutuparin ang ipinangako nito sa kanya. 

agad sinimulan nina Tony Stark at Ho Yinsen ang pagbuo ng kanilang magiging working station. 

matapos nito ay agad din nilang sinimulan ang pag gawa ng jericho missile , 

alam nilang may surveilance camera na nakamasid sa kanila . 

dahil nahihirapan si Tony Stark magtrabaho dahil sa Car Battery na nakakabit sa dibdib nya kung kaya inuna nyang gawin ang Paladium  Heart o ang tinatawag na Arc Reactor  upang ipalit dito . 


ipinakita ni Tony Stark sa kasama ang plot ng kanyang plano na pag gawa ng Iron Man suit upang makatakas sila . 

natuwa naman si Yinsen sa idea ng ating bida . 

palihim nila itong binubuo tutal sa cctv lang naman sila pinagmamasdan ng mga rebelde kung kaya matagumpay nila itong nauunti unti. 

habang busy sila sa pagbuo ng Jericho Missile at Iron Man suit ay nagduda ang mga rebelde sa kanilang ginagawa kung kaya pinasok sila nito at sinabing mukhang kakaiba ang binubuo nila at hindi isang missile . 

kumuha ito ng isang nag aalab sa init na piraso ng metal at pinatong ang ulo ni Ho sa lamesa , 

pinapaamin nito ang doctor kung ano ang ginagawa ni Tony Stark . 

kinakabahan naman ang ating bida na baka ipagkanulo sya ng kasama ngunit matigas na pinagdiinan ni Yinsen na ang binubuo nila ay ang Jericho Missile . 

pinigil ito ni Tony Stark at sinabing hindi nila maaaring saktan o patayin si Doctor Ho dahil napakalaki ng ambag nito sa kanyang tinatrabahong Missile. 

sinabi ng lider na bibigyan nalang sila ang 12 oras para matapos ang pinagapagawa nito . 

kung kaya naging puspusan at minadali ni Tony at Ho ang pagbuo ng iron man suit. 

ng matapos ay agad isinuot ni Tony ang binuo nilang armor .

nangamba ang punong rebelde ng hindi makita si Tony Stark sa CCTV. inutusan agad nito ang mga tauhan upang puntahan ang silid ng dalawa . 

pag bukas ng dalawang rebelde ng pinto ay sumabog ang bomba na iniligay nina Ho Yinsen , naalarma ang buong team ng kalaban , at inutusan ang mga tao nito na mag all out sa pakikipaglaban sa dalawang doctor . 

hindi pa tapos sina Tony Stark at Ho Yinsen sa pag i initialize ng suit ni Tony .

alam ng doctor na hindi aabot ang oras ng progreso upang ma kumpleto ito kung kaya kinuha nito ang baril at sinabing susubukan nyang patagalin ang pagdating ng mga kalaban hanggang sa matapos ang initialization ng suit. 


pinigilan ito ni Tony Stark ngunit nakatakbo na ito na nagpapaputok ng sandata. 


ng makumpleto ang set up ng suit ay nagkaroon ng power interuption , 

kinakabahan naman ang mga rebelde at nagtutulakan kung sino ang unang papasok  upang i check ang paligid . 

isang tauhan ang inatake ni Iron Man , talsik ito , sunod sunod naman na nagpaputok ang mga kalaban kay Tony Stark bagamat hindi nila ito nakikita. 

inisa isang atakehin ni Iron Man ang tatlo , nakapagpaputok ang isa ngunit dahil bakal ang suot ni Tony ay hindi sya tinatablan ng bala. 

naging malupit ang labanang nangyari ,

kahit magkakasunod na atake ang pinakawalan sa kanya ay hindi sya tinatablan , isang suntok lang ang pinapakawalan ni Tony para mawalan ng hininga ang mga ito . 


dahil dito ay nagsipagtakbuhan ang mga kalaban , isinarado nito ang pinto upang hindi makalabas si Tony . 

ngunit nagawa pa rin itong wasakin ng ating bida. 

isang suntok ang pinakawalan ni Stark ngunit bumaon ang kanyang kamay sa dingding na naging dahilan para ma trap sya , malapit na syang barilin ng isang armado sa mata ng magpakawala ng atake si Stark kung kaya napatay nya ito bago pa sya maunahan.

bago makalabas si Stark ay nakita nya si Yinsen , 

sinabi ni Stark na kailangan na nilang makalabas , ngunit sinabi ni Doctor Ho na , 

hayaan nalang sya ni Stark . ninanais nyang mamatay sa labanan , besides ay wala naman na syang pamilyang mababalikan . 

nabagbag ang kalooban ni Stark , nagpasalamat ito kay Yinsen sa pagliligtas sa kanya .

sinabi ni Yinsen na wag sayangin ni Stark ang buhay nito . matapos nun ay binawian na ng buhay ang doctor. 

sa paglabas ni Iron Man sa Kweba ay sinalubong sya ng napakaraming bala ng baril , 

pinaulanan sya ng mga kalaban ng mga atake mula sa mga sandatang si Stark din ang may gawa. 

ng maubos ang mga bala nito ay si Tony naman ang nagpakawala ng atake . sinunog nya ang mga ito gamit ang  pagbuga ng apoy. 


ang pagkasunog na ito kasama ng mga bomba sa paligid ay naging dahilan ng  malawakang pagsabog ng buong lugar. 

gamit ang  ironman suit ay lumipad si Tony Stark papalayo dito . 


dahil hindi pa perpektong perpekto ang suit ay hindi pa man sya nakakalayo ng husto ay naubos na agad ang fuel nito , 

bumagsak si Iron Man at nagkanda wasak wasak ang kanyang suit. 


nahanap ng team ni James Rhodes ang naglalakad na si Tony Stark . 

niyakap nya ito at kinomfort . 


sinalubong si Tony Stark ni Hoogan at Pepper  Potts na nakangiti at maligaya na muling nakita ang kanyang Boss. 

pinuna ito ni Tony Stark kung bakit umiiyak ito , sinagot ito ni Pepper na namiss nya lang ang kanyang rude at mayabang na amo . 


sa muling pagbabalik ni Tony Stark ay inulan si Iron Man ng mga Reporters kung kaya nag sched nalang ito ng isang press conference upang sagutin ang lahat ng katanungan ng mga ito . 

parang asal tambay si Tony Stark sa press con na ito hahahaha.. 

kumakain ng cheese burger at nakaplakda na nakaupo sa tiles .

sa press conference na ito ay 

idineklara ni Tony Stark na ora mismo ay shina-shutdown nya na ang Stark Weapons Manufacturing Company. 

nag panic ang lahat at sinubukang ipabawi kay Stark ang mga sinabi nito,


matapos ang Press Con ay muling sinubukan ni Obie na kumbinsihin si Stark na bawiin ang deklarasyon nito , 

ngunit buo na ang kapasyahan ni Tony .

ititigil nya na ang Pag gawa ng mga sandata at mga nuclear bombs. 


sinabi nitong papalitan nila ang stark industry ng pag gawa ng arc reactor , ngunit tinutulan ito ni Obie at sinabing , " Alam mo na napakahina ng kita ng Arc Reactor kumpara sa pag gawa ng mga bomba at sandata , bakit , yan ang pinipili mong maging produkto natin. 


ipinakita ni Tony Stark ang Arc Reactor na ginawa nila ni Doctor Ho , at sinabi kay Obie na gumagana ang Arc Reactor at isa itong breakthrough para sa Medisina . lalong lalo na sa mga may sakit sa puso at sa mga sundalong nasugatan sa pakikipaglaban. 



sa bahay ni stark , habang busy si Pepper sa panonood ng balita sa television ay tumawag si Tony sa kanya , pumasok si Pots sa lab at dito ay hiningi ni Stark ang tulong ng babae na dukutin ang artificial na puso nya at alisin ang exposed particles na nag leaked dala ng arc reactor . 


sa una ay natatakot si Pots na gawin ito ngunit sinabi ni Tony na si Pepper lamang ang kayang pagkatiwalaan ni Stark ng buhay nya . 

dahil sa tiwala na ibinibigay ng amo ay nagkaroon ng lakas ng loob si Pots na gawin ang pinapagawa ng kanyang boss. 








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Iron Man 2008 - Tagalog Movie Recap Scripts

 Afghanistan ,  sakay si Tony Stark ng isang Military Mobile upang ihatid ito matapos ang kanilang isinagawang Missile Test,  ang lahat ay n...