Biyernes, Setyembre 30, 2022

Cash Back 2006 TAGALOG MOVIE SCRIPTS

 nagsimula ang kwento sa isang pag aaaway ng magkasintahang si Ben at Suzy , 

makikita sa video ang galit na galit na mukha ng babae dahil sa pakikipaghiwalay dito ni Ben. 

sa kabila na si Ben ang nakipag hiwalay ay si Ben Willis pa rin ang sa huli ay nagmistulang hirap na hirap maka move on sa kanilang dalawa , 

isang painter artist si Ben na kung saan ang nagiging hobbies nito sa pagguguhit ay ang mga mukha ng babae , wala syang interes sa mga lalaking modelo kung kaya habang sila ay nasa session ay sinita ito ng kanilang professor sa kanyang pambabastos di umano sa kanilang lalaking modelo . 

dahil sa break up ay nagkaroon ng insomia si Ben , 

kung kaya sa halip na magmukmok sya sa kwarto ay sinubukan nyang mag apply sa isang grocery store sa pang gabing position . 

ang ganitong aplikasyon ay bibihira lamang , na ang isang tao ay mag request ng pang gabing duty , kung kaya tuwang tuwa ang manager ng Sainsbury at tinanggap kaagad si ben . 

dito ay nakilala nya si Sharon , ang nag iisang babae sa kanilang team , 

dahil sa halos isang linggo ng walang tulog si Ben ay nagkaroon na ito ng isang kakatwang bagay na nalalaro sa kanyang isipan , ( Halucinattions kung baga ) , 

pero ang nakakatuwa dito ang hallucination sa iba , para sa kanya ay hindi , nagiging dahilan ito para mapatigil nya ang oras at makapag drawing sya ng focus at detalyado. 

minsan naaabutan sya ni Jenkins na tulala kung kaya binatukan sya nito at sinabing magtrabaho ng maayos , 

maraming beses nyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang makapag pinta ng mga bagay bagay na gusto nya . 

isang gabi ay sinubukan nyang ipinta ang mga mukha at katawan ng mga customers , 

ang mga nagugustuhan nyang babae ay hinuhubran nya at ipinipinta , 

ang iba ay hubong hubo at pati ang mga maselang parte ay kanya ring iginuguhit . 

napaka astig ng kapangyarihang ganito hahahahah. 

wish ko lang hahahah, biro lang mga kaibigan , pero napaka astig nitong kapangyahirahang ganito hehehehe..

naging hobby na ni Ben ang gawin ito , matapos nyang ma i drawing ang mga ito ay ibinabalik nya naman ang mga suot nitong pang itaas at pang ibaba . 

di talaga ako maka move on hahahahahahha.. 

nung pinapanood ko ito di lang si ben ang may kapangyarihang i pause ang time .. pati ako pino pause ko rin ang video eh hahahahhaha

nakita ni Ben si Jenkins na kinukwentuhan si Sharon , naka isip ng kalokohan si Ben at dinala ang katwan ng amo sa naglalarong katrabaho , itinapat nya ito sa ibinatong pintura ng lalaki at ng makalabas ay muling ibinalik ni Ben ang oras . 

sa paglipas ng buwan ay tuluyan ng naka move on si Ben sa kanyang EX at unti unting nahuhulog ang kalooban ni Ben kay Sharon ,

( BLUR VIDEO ) Kinagat ni Sharon ang Sandwich ni Ben

oi,, bakit blur yung video .. hindi naman yun dapat i blur , ibang kagat na naman yata naiisip nito hahahahah.. 

ulitan ..

kinagat ni Sharon ang Sandwich ni Ben . 

itinuro nito kay Sharon ang palaman na nadikit sa mukha nito , 

hindi naman ito maapuhap ng babae kung kaya tinulungan ito ni Ben , 

sa pagdikit ng mga daliri ni Ben sa pisngi ni Sharon ay nakaramdam si Ben ng kakaiba , 

sinubukan nyang pahintuin ang oras upang wag mawala ang eksenang iyon ngunit imbis na huminto ay nag i slow mo lang ito hanggang sa tuluyang makalabas ng pinto ang babae. 

masaya at makulay ang mundo ngayon ni Ben , pakiramdam nya ay muling nagbalik ang sigla ng kanyang puso , habang sya ay naglalakad sa hallway 

ay may nahulog na tissue , pag tingin nya sa lagayan ay nanduon ang dalawa nyang makulit na katrabaho, 

dito ay nalaman nya na nililigawan ni Shaun si Sharon at may schedule date ito mamaya,

iningit pa nito na titirahin nya si Sharon mamaya at sure na madadali nya ito . 

nasaktan ang kalooban ni Ben ngunit hindi nya ito pinahalata , 

kinabukasan sa locker habang nag uusap sina Barry at Ben ay dumating si Matt , ikwinento nito kung papanong todo bigay si Sharon sa kanilang ehersisyo kagabi. 

makikita naman sa mukha ni Ben ang kalungkutan sa mga naririnig , 

dumating ang boss nila at ibinalita dito na  

bubuo sila ng team dahil may kakalabanin silang isang Manager din ng Sains Bury na nagngangalang Rory Brown . 

sinabi nitong ang reputasyon ng kanilang Supermarket ang nakasalalay dito kung kaya inaasahan nitong gawin ng mgA ito ang lahat ng kanilang makakaya 

Linggo ng gabi , oras na ng knilang football challenge , alam ng team nina Ben na wala silang kalaban laban sa mga katunggali nila , 

dumating si Sharon at kumaway ito , kumaway naman si Ben ngunit napag alaman nyang hindi naman pala sya ang kinakawayan nito kungdi si Matt na lumapit din kaagad kay Sharon , upang hindi mapahiya si Ben ay kinawayan din ito ni Sharon , 

nag umpisa ang laro ng football , dahil sa wala namang alam ang team nina Jenkins ay nagmukla lang silang katawa tawa sa laro , 

ng minuto nalang ang natitira ay nakiusap ang manager na baka kahit isang score lang ay makagawa sila , 

kung kaya nagbigay ng instraktiba si Jenkins at ginawa naman ito ng grupo. 

naging mahusay ang pagda drive ni Ben ng bola, \

ipinasa nya ito kay Jenkins , akala ko ay madadali na ng grupo maka iskor ngunit tumama lang ito sa kanto at nag bounce back pabalik . 

nasalo naman ito ni Matt at sinipa ngunit sa halip na sa goal pumunta ang bola ay tumama ito sa ulo ni Jenkins. 

pinatigil ni Ben ang oras , hindi para tulungan si Jenkins kungdi para pumunta sa canteen 

at kumuha ng inumin , habang umiinom ng juice drink si Ben ay napansin nyang may gumalaw,

sinuri nya ang paligid hanggang sa tumakbo ang lalaking naka hood .

doon ay napag alaman ni Ben na may taong nakakagalaw rin pala sa frozen time bukod sa kanya. 

muling inanfreeze ni ben ang oras, 

agad sinaklolohan ng buong team ang kanilang boss , inutusan nito si Matt na dalhin sya sa Hospital , 

nakiusap naman si Matt kay Ben na sya muna ang maghatid kay Sharon sa bahay nito. 

bago tuluyang ihatid ni Ben si Sharon ay dumaan muna sila sa coffee shop , at dito ay nalaman ni Ben na hindi totoo ang mga ipinagmamayabang ni Matt sa kanila , hindi nito nayari si Sharon at lalong hindi pa ito sinasagot ng babae . 

nabuhayan ng loob si Ben sa mga narinig, 

nagkakwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay buhay at mga pangarap , 

matapos nilang magkape ay inihatid ni Ben sa tinutuluyan ni Sharon dito ay nag good bye kiss si Ben at Sharon .


pagkagaling ni Jenkins sa Hospital ay kinausap nito si Sharon at sinabing imbitado ito sa gaganaping house party sa kanyang birthday . 


ibinalita naman ni Sharon kay Ben na inimbitahan sila ng kanilang boss sa birthday party nito . 

ipinatawag ni Jenkins sina Ben at mga kasama nito , 

dito ay inanunsyo ng boss na imbitado sila sa Birthday Party nito , binigyan nya si Ben ng 200 quid.

at sinabing sya ang mag organize ng isang surprise stripper para sa kanya.

humingi ng tulong si Ben sa kaibigan upang makakuha ng stripper 

sinabi nitong papayag syang tulungan si Ben sa isang kondisyon , at yun ay ang dapat kasama rin sya sa pupunta sa House Party , 

pumayag si Ben kung kaya tinulungan ito ng kaibigan , pumunta sila sa isang Club at dito ay sinayawan sila ng isang babaeng stripper , matapos nito ay siningil sila ng babae , 

sinabi ng kaibigan ni Ben na kailangan nila ng stripper sa sabado ngunit sinabi nitong hindi ito available , 

kung kaya sinabi nitong sya nalang ang bahala magpadala ng stripper sa birthday party . 

matapos nito ay ibinigay ni Ben ang 200 quid sa babae . 

si ben ay nagbago na , hindi na nya pinapatigil ang oras upang manghubad ng mga babae sa store at iguhit , kungdi kapag pinapatigil nya ang oras ay ang iginuguhit nya ay ang mukha ni Sharon , 

sa locker ay naghalikan sina sharon at ben , ito ang oras at araw na alam nila sa isat isa na may tali ng nag uugnay sa kanila. 

ng dahil sa halik na iyon ay nakatulog ulit si Ben matapos ang ilang linggong insomiang kanyang nararanasan . 

nagising na lamang sya ng dahil sa isang pagtawag sa telepono , nagpakilala itong si Alex Prout ,  may ari ng Prout Gallery , 

sinabi nitong nakita nito ang sample drawing ni Ben sa Eskwelahan , at interesado ito sa kanyang mga obra , 

nagbigay ito ng araw at oras upang dalhin pa ni ben ang mas marami pa nitong obra sa kanyang museum. 

labis labis ang katuwaang nadarama ni Ben Willis , 

ngunit ang lahat ng ito pala ay isa lamang prank ni Matt . 


sinundo ni Ben si Sharon sa condo nito , 

na amaze naman si Ben sa hitsura ng nobya , 

ibinalita ni Ben sa babae na nagkainteres ang Prout Gallery sa kanyang mga obra . 

natuwa naman ang babae para sa nobyo . 

sa House Party ng kanilang Boss ay muling nagkita sina Suzy at Ben  

ipinakilala ni Ben si Sharon sa dating Nobya ,

napag alaman din ni Ben na si Jenkins ay kapatid ng Boyfriend ni Suzy , 

sa kalagitnaan ng Party ni Jenkins ay dumating naman ang Surprise Stripper , 

tuwang tuwa ang mga lalaki sa paghuhubad nito , 

magaling gumiling ang babae at ipinakita nito ang pwet nito kay Jenkins , pinalo palo ito ng lalaki , sinaway naman sya ng bouncer at sinenyasang bawal hawak ang pwet ng stripper . 

sunod nitong ipinakita ay ang bombastic telepantastic na Dyogs jogs ng babae , 

tuloy laway naman ang amo nina Ben. 

tawang tawa naman sina Sharon at Ben sa kanilang mga nakikita , 

samantalang sina Matt at Barry ay parehong gigil na gigil na rin 

tumambling ang babae at inipit ng singit ang birthday boy , 

hinubad nito ang sumbrero at shades na suot kung kaya nakilala ito ni Sean bilang si Natalie , 

ang kababata nila ni Ben , 

habang busy ang lahat ay muling nag kiss sina Sharon at Ben , 

iniwan saglit ni Ben si Sharon upang mag CR , 

lumapit si Jenkins sa babae , binati naman ito ng Happy Birthday ni Sharon , 

hahalikan sana ni Jenkins ang babae ng awatin ito ng babae 

sinabi ni Jenkins na gusto nyang makasama sa higaan ang babae ngunit tinangihan ito ni Sharon , 

sa taas habang nakapila si Ben ay lumabas si Suzy , 

ipinagtapat ni Suzy na kahit papano ay mahal nya pa rin si Ben at may nararamdaman pa rin sya dito ,

hinalikan nito si Ben , 

sakto naman na nakita ito ni Sharon kung kaya sobrang sama ng loob nito na tumalikod at patakbong pumunta sa pinto , 

nakita ito ni Ben at alam nyang ito na ang katapusan ng relasyon nila ni Sharon , 

pinatigil ni Ben ang oras , 

 iniisip nya kung papanong paliwanag ang gagawin nya sa babae , 

inabot na ng oras ngunt hindi pa rin alam ni Ben ang sasabihin nya sa babae kung kaya nagdesisyon nalang itong i resume ang oras at hayaang makalayo ang kasintahan , 

matapos ang party ay pinuntahan ni Ben si Sharon sa Condo nito ngunit hindi sya sinasagot nito sa radyo , 

saktong may lumabas , pumasok si Ben at pinuntahan ang kwarto ni Sharon , 

kumatok sya , ng pagbuksan sya ay pinagsasalitaan at sinisigawan nito si Ben , 

bigo at masama ang loob ni ben na umalis sa condo ng babae, 



lunes , schedule ng pakikipag kita ni Ben kay Alex Prout , pumunta ito sa Prout Gallery para lang malaman nya na prank lang pala ang tawag na natanggap nya . 

humingi sya ng despensa sa lalaki , ngunit sinabi nitong , 

total nandito ka naman na , patingin ako ng mga sample draws mo , 

ipinakita ni Ben Willis ang kanyang mga artwork . 

nagustuhan naman ni Alex at sinabing dalhin pa ni Ben Willis ang iba pa nitong obra at makipag ugnayan sa kanyang sekretarya para sa schedule ng Gallery Show para kay Ben . 

samantala habang nagmo mokmok si Sharon ay nakatanggap ito ng sulat imbitasyon , 

ito ay galing sa Prout Gallery . 

isang Exibit para sa mga obra ni Ben Willis , 

hangang hanga ang mga nanonood sa mga obra ng ating bida , 

isang babae ang lumapit sa kanya , 

nagpakilala ito bilang si Anna Shapiro 

inimbitahan nito sa Ben na mag exhibit din sa kanyang Gallery sa New York , 

binigyan nito ng calling card si Ben at sinabing tawagan lang sya nito kung sakaling nag nanais ang binata sa kanyang inaalok . 

dumating si Sharon sa Gallery Show , at manghang mangha ito sa kanyang mga nakikitang pinta , 

ang lahat , ay puro mukha nya . 

detalyadong detalyado .

nilapitan nya si Ben na nakangiti , mag uumpisa na sanang humingi ng tawad at magpaliwanag si Ben ng pigilan ito ni Sharon at sinabing sapat na ang lahat ng ito upang malaman ko ang laman ng puso mo . 

hinalikan ni Ben si Sharon , pinatigil nito ang oras at dito ay nadiskubre ni Ben na kapag nakalapit o naka dikit sa kanyang katawan ang isang tao at inisip nyang maisama ito sa kanyang ulirat habang nakahinto ang oras ay magiging kagaya nya ito . 

lumabas sila ng venue at ininjoy ng dalawa ang view habang nakikita nilang nakahinto ang paligid maging ang mga snow.


maraming maraming salamat kaibigan sa inyong pag tapos sa ating video , marami pa tayong video na kagaya nito mga kaibigan , kung kaya please lang wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell para maging updated sa mga susunod pa nating videos na kagaya natin . hanggang sa muli , ako si Richard Belen , Ba bye... 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Iron Man 2008 - Tagalog Movie Recap Scripts

 Afghanistan ,  sakay si Tony Stark ng isang Military Mobile upang ihatid ito matapos ang kanilang isinagawang Missile Test,  ang lahat ay n...