Sabado, Setyembre 3, 2022

Fall ( 2022 ) Tagalog Movie Script

 makikita sa video ang isang kahindik hindik na pag akyat ng 3 tao sa isang napakataas na bato , ito ay sina Hunter , Dan at ang kanyang Nobya na si Becky , sa kanilang tatlo ay nahihirapan si Becky na makasabay sa angking abilidad ng dalawang kasama sa pag akyat kung kaya inalalayan ito ni Dan , habang silang tatlo ay busy sa pag akyat ay nagawa pa ng dalawa na mag chikchaktsuk sa itaas ng matarik na bundok , biniro naman ito ni Hunter na sinabing di na ba kayo makatiis at kahit dito ay nagtotoktoraok kayo , antayin nyo nga na makauwi tayo bago kayo mag gaganyan , 

biniro naman ito ni Becky na siguro ay naiingit lang ito , 

nakakita si Dan ng isang butas , sinilip nya ito , ngunit laking gulat nya ng may lumabas ditong isang hayop , 

sa gulat ay naka bitaw si Dan sa pagkakakapit sa bato , na naging dahilan para magpalambi-lambitin ang lalaki , sinubukan ni Hunter na tulungan ito, ngunit bago pa man sya makarating sa kinaroroonan ni Becky at Dan ay nawala sa pagkakakapit ang hook ng lubig di Dan , na naging dahilan para mawalan ito ng buhay , 

kaibigan , maraming maraming salamat sa paulit ulit at patuloy na pag suporta sa ating channel na tagalog pinoy movie recap , at kung ngayon lang tayo nagkatagpo sa pamamagitan ng video na ito ay please lang ,wag kalimutang mag like , mag subscribe at pakipindot na rin ang bell para maging updated sa mga susunod pang videos na kagaya nito , simulan na natin , 


makalipas ang 2 buwan , si becky ay namuhay sa depression , sinusubukan namang mag reach out ng kanyang ama ngunit hindi ito pinapansin ni Becky , alam ni Becky na ito ang gusto ng kanyang ama , ang mawala sa buhay nya ang nag iisang taong nagpapasaya sa kanya , 

gamit ang kanyang cellphone ay patuloy nya pa ring tinatawagan si Dan kahit voicemail lang nito ang sumasagot , sa sobrang miss na ni becky ang kanyang fiance ay hindi nya pa rin matanggap na wala na ito sa kanyang buhay , 

palabas na sya ng bar ng makita nya ang kanyang ama na matyagang naghihintay sa kanya , 

ang kanilang pag uusap ay hindi napunta sa maayos at nauwi sa pagsusumbat ni Becky sa kanyang ama , 

sa bahay ni Becky , dahil sa depression at pag inom ng alak ay nagkaroon ng inbalance ang lifestyle ni  Becky , hindi na ito makatulog ng normal kung kaya ay nai intake na ito ng mga pampatulog at pampakalma sa mga oras na nakakaramdam sya ng sobrang kabiguan , 

habang nasa panahon ng pag iisa si Becky ay nag ring ang kanyang telepono at nakita nyang si Hunter ang tumatawag sa kanya , 

si Hunter ay nasa labas ng kanyang apartment , pinag buksan nya ito at nagulat ito sa pagkakita sa kanyang hitsura , datapwat ay malugod pa rin syang niyakap nito , 

ipinakita nito sa kanya ang B26 Tower at sinabing plano nya itong akyatin , isang 2000 feet tall tower , grabe ,ang taas nito .

sinabi nitong nais nyang makasama sa pag akyat si Becky at para naman kay Becky ay maaari nyang iaalay ang pag akyat na ito sa kanyang Nobyo na si Dan , pagdating sa taas ay maaari nyang isaboy sa langit ang creamation remains nito , 

sa kakulitan ni Hunter ay napapapayag nya ang kaibigang si Becky , habang nasa sasakyan palang sila ay nag umpisa na ng i vlog ni hunter ang mga eksena na kanilang gagawin , hanggang sa habang busy ang dalawa sa pagba vlog ay muntik na silang mahagip ng rumaragasang sasakyan , 

sa kabila nito ay ikinatuwa pa ito ni Hunter , isa itong content material para sa kanya , 

nakarating sila sa isang  bahay panuluyan at dito ay tinanong ng dalawa ang tagapag silbi kung alam nito kung nasaan ang B26 tower , sinabi nitong hindi na nila kailanan ng mapa para mahanap ito , ito ang pinaka mataas na tower sa buong mundo , itinuro nito ang isang liwanag na akala nila noong una ay bituin na yun pala ay isang signal light ng tower . 

ng makarating sila sa bankyard ng tower ay napagtanto nilang nakapadlock ang gate at may warning na delikado ang lugar na iyon , datapwat , hindi nagpapigil ang dalawa , nilakad nila magmula sa saradong gate hanggang sa makarating sila sa malapit sa tower , natutuwa naman si Hunter dahil nakakakuha sya ng maraming atensyon sa internet sa mga live stream na kanyang ginagawa , may nakita rin silang isang hayop na pini piyestehan ng dalawang uwak . binidyohan din ito ni Hunter at isinama sa kanyang content , 

bago pa sila mag umpisang umakyat ay nangatog ang katawan ni Becky , sinabi nitong nagti tremble ang kanyang katawan at tila hindi nya kayang umakyat , ngunit sinabi ni becky na hindi nya papabayaan ang kaibigan , sa huli ay napapayag nya ito , 

habang patuloy sila sa pag akyat ay makikitang nag uumpisa ng magkalasan ang ibang riliings ng tore , may mga turnilyo na unti unti ng kumakalas mula dito , habang patuloy ang dalawa ay nalaglag ang isang turnilyo , nag alala si Becky sa kanyang nakita datapwat ay nagpatuloy pa rin sila , 

ng mapunta sila sa kalagitnaan ay tuwang tuwa si Hunter at excited na pina akyat ang kaibigan , 

kitang kita ng dalawa kung papanong parang mga buhanging maliliit ang lahat ng nakapaligid sa kanila, 

halos ayaw ng tumuloy ni Becky , parang pakiramdam nya pag umalis sya sa pagkakapit ay tatangayin sya ng hangin pahulog ,  sila ay nasa pang 1800 feet na ang taas ngunit nagnanais pa rin si Hunter na tuluyang maakyat ang kabuuan ng tower , sinabi nitong 200 feet nalang ang kailangan nilang buuin at makukumpleto na nila ang kanilang adventure climbing . 

nanginginig man sa takot ay napilitan pa rin si Becky na magpatuloy , 

sinabi ni hunter na , wag ka kasing tumingin sa ibaba , at isa pa ay para di mo maisip ang takot ay daanin mo sa pagkanta, 

sinunod naman ito ni Becky at habang umaakyat ay kumakanta ito , 

nakarating na sila sa may signal receptor ,  kahit hirap ay pinilit pa rin ni Hunter na makalusot dito , matagumpay nya naman itong nagawa , tinulungan nya si Becky upang makalagpas din dito , 

magkasama ang dalawa hanggang sa pareho nilang maabot ang pinaka tuktok ng tower , masayang masaya ang dalawa , isang napaka delikadong experience ang kanilang napagtagumpayan , 

inumpisahang paliparin ni Hunter ang Drone upang ma capture ang pinaka magandang moment na kanilang napagtagumpayan , 

nagulat si Becky ng ipahawak sa kanya ni Hunter ang control sa camera , bumaba ito at naglambitin sa napakataas na tower , takot na takot si Becky sa ginawa ng kaibigan , 

kitang kita at ang ganda ng kuha ni Hunter sa kanyang posing , ng mangawit na si Hunter ay umakyat na muli ito at sinabi kay Becky na sya naman ang gumawa nito , 

nag alangan si Becky ngunit dahil na rin sa pamimilit ni Hunter at pagtitiwala nya dito ay ginawa rin ni becky ang magpalamlambitin sa buwis buhay na hinihingi ng kaibigan , 

matagumpay naman itong nagawa ni Becky sa tulong ng kanyang kaibigan , matapos makaakyat ni Becky ay sinabi ni Hunter na , Magmula ngayon ay wala ka ng kakatakutang bagay , sa tuwing makakaramdam ka ng takot lagi mo alalahanin na yung ganitong kadelikadong gawain ay nalagpasan at napagtagumpayan mo , 

nag aggree naman si Becky sa tinuran ng kaibigan , matapos nito ay inumpisahan ng mag litanya habang isinasaboy ni Becky ang Abo ni Dan , maging si Hunter ay napaiyak . 

nag handa na ang dalawa para sa kanilang pagbaba , 

naunang bumaba si Becky , 

subalit bago pa man sya tuluyan makahakbang ay natanggal ang turnilyo na naging dahilan para malaglag si Becky , matbuti na lamang at naagapan ni Hunter na makakapit kung kaya naudlot ang kanilang pagkahulog , 

matagumpay naman na nakabalik sa itaas si Becky , 

nakaramdam ng relief ang dalawa , sinabi nilang muntik na silang masawi , idinaan nila sa tawa ang niyerbos na kanilang naramdaman , 

muli sana nilang susubukang bumaba ulit ng sa kanilang pag silip ay napag alaman nilang , wala na silang mabababaan , ang hagdanan ay tuluyan ng nawasak , 

agad nilang sinubukang tumawag o mag contact sa kahit na sino , datapwat wala silang makitang signal sa kanilang kinaroroonan , 

naalala ni Hunter at Becky na nung nasa baba pa pala sila ay nagawa pa ni Hunter na makapag live stream kung kaya naisip ni Hunter na kung susubukan nilang mag post sa social media account ni Hunter ay maaaring may makakita nito at agad na tumawag sa 911,magagawa nila ito kung maibaba nila ang kanilang cellular phone malapit sa receptor ng tower , 

pinag dugtong dugtong nila ang kanilang mga kasuotan upang makagawa ng mahabang tali , datapwat , hindi ito naging successful , 

ang kasunod nilang naisip ay ang ibagsak sa lupa ang cellphone ni Hunter , subalit sa sobrang taas ng pang gagalingan nito ay maaari itong mawasak magkadanda lasog lasog pagbagsak , kung kaya hinubad ni hunter ang kanyang sapatos , at ipinaloob dito ang telepono , matapos nilang madagdagan ng kung anu ano ang sapatos ay itinapon nila ito pababa , 

matyaga silang nag hintay sa itaas at nagbabakasakali na nakapag send ang kanilang mensahe , 

habang sila ay matyagang naghihintay ng tulong ay kinonsumo nila ang kanilang panahon at ang oras sa pagki kwentuhan , hanggang sa mapaghinuha ni Becky na si hunter at dan ay may relasyon , inamin naman ito ni Hunter ngunit sinabi din naman ni Hunter na kahit mahal nya si Dan ay mas mahal nya pa rin ang kaibigang si Becky kung kaya mas pinili nitong hiwalayan si Dan . 

makalipas ang 24 oras ay alam nila pareho na hindi nareceive ang kanilang mensahe , dahil walang dumadating na tulong sa kanila , may nakita silang emergency box , binuksan nila ito at nakakita sila ng binocular at fireworks , ginamit nila ang telescope upang makita ang paligid kung mayroon silang pweding mahingan ng tulong , nakakita si Hunter ng isang RV na malapit sa tower , nagalak ang dalawa na mayroong taong pweding makakita sa kanila , susubukan na sana ni Becky na i shot ang fireworks ngunit pinigilan ito ni Hunter at sinabing hintayin nila ang gabi  . 

dumating ang dilim , inihahanda ni Becky ang fireworks habang si Hunter naman ay gamit ang binoculars , isa lang ang bala ng fireworks kung kaya sinisigurado nila na bago pakawalan ni becky ang huling alas nila ay nakatingin ang mga nasa RV . 

pinakawalan ni Becky ang fireworks , nakita naman ito ng dalawang lalaki , gumamit din ito ng binoculars upang tingnan kung sino ang nasa taas ng tower , nakita nila ang dalawang babae , tuwang tuwa naman sina Becky at Hunter na nakita sila ng dalawang lalaki , 

sinusundan ni Becky ang dalawa gamit ang teleskopyo , ng mapag alaman nilang hindi pumunta ang dalwang lalaki sa tower para tulungan sila kungdi para nakawin ang kanilang sasakyan , 

nanlumo at nanghihina ang dalawa , naiisip nilang hindi na sila makakababa pa ,

naisip ng dalawa na kung nasa sa kanila lang sana ang bag na nanduon ang controller ng drone ay maaari nila itong magamit upang makahingi ng tulong , 

dahil dito ay nagdesisyun si Hunter na subukang kuhanin ang bag na nasa satelite , hindi nya ito abot kung kaya sinabi nitong tatalon sya papunta sa ibabaw ng bilao , 

matagumpay naman na nakatalon ang babae , ginamit ni hunter ang kanyang selfie stick upang maikawit ang bag , tumalon si hunter sa lubid, matagumpay naman syang nakahawak sa may bag , dahan dahan umakyat si Hunter sa lubid sabay naman na tinutulungan ni Becky ang kaibigan sa pamamagitan ng paghila nito , 

malapit na si Hunter ng madulas ito , maging si Becky ay nakabitaw sa biglang pagbabago ng bigat . 

unti unting sinilip ni Becky si Hunter , nakita nyang buhay pa ito at mabuti na lamang at nasalo ito ng bag , datapwat ang mga kamay ni Hunter ay nagkaroon ng malubhang sugat na naging dahilan para hindi na ito muling maka akyat , 

mag isang hinila ni Becky ang kaibigan , hirap man ay matagumpay nya itong naiakyat , 

agad nilang sinubukan na paliparin ang drone , nag lagay sila ng note dito at iniipit sa gadget , 

ang plano nila ay isend ito sa hotel na kanilang tinuluyan noong nakaraan , 

ngunit kakalagpas palang ng gate ng drone ng mag prompt ito ng low battery , agad nilang pinabalik ang drone at nakaisip ng paraan si Becky , naalala nya na pwedi nyang ma i charge ang battery nito sa pamamagitan ng trick ni Hunter . sa una ay nahihirapan sya dahil hindi sukat ang ulo ng charger sa outlet ng ilaw , ngunit kalaunan ay nagawan nya ito ng paraan , hirap na hirap man si Becky ay natyaga nyang ma i full charge ang battery . 

muli nilang sinubukan paliparin ang drone na may kasamang note , malapit na sila sa hotel ng mabangga ang drone ng isang truck, sobrang nanlulumo ang dalawa , ang drone na lang na iyon ang kanilang pag asa , 

sinabi ni Becky na parang di na nya kayang makatagal pa ng isa pang gabi , ngunit ini encourage ito ng kaibigang si Hunter at sinasabing magkwento ito ng kahit na ano , 

ikwinento ni Becky ang mga masasayang ala-ala na kasama nya ang kanyang Papa habang nanonood sila ng wrestling , 

sinasabi ni Becky na nais na ng katawan nya na matulog ngunit pinigilan sya ni Hunter at sinabing ang mga vultures ay nag aabang na bumigay ang kanyang katawan pagkatapos ay kakainin sya ng mga ito kung kaya hindi maaaring sumuko si Becky , isinajest ni Hunter na kailangang lang ni Becky ng lakas , kailangan nito kumain , ngunit sinabi ni Becky na papanong makakakain sila eh nasa 2000 feet high tower sila , sinabi ni hunter na may paraan para makakain , 

sinabi ni becky na kailangan nilang muling mag hulog ng phone at gagamitin nila ang kanyang celluar phone , ngunit sinabi ni Hunter na papanong gagawin yun ? sinabi ni Becky na , gagamitin ulit natin ang sapatos mo , ngayon ay isi secure na natin ng husto ang cellphone upang siguradong makakapag send ito ng mensahe , 

ngunit sinabi ni Hunter na wala dito ang sapatos ko , itinuro naman ni Becky ang sapatos na suot nya , 

lumingon sa kanya si Hunter at sinabing " Oo suot suot ko nga , pero nakalimutan mo na ba na ako ay nasa baba rin  ? " nag umpisang umiyak si Becky , 

naalala nya na , na hindi totoong kasama nya ang kaibigan sa ilang araw na sya ay nasa itaas , na kinundisyon nya lang ang isip nya na buhay pa ang kanyang kaibigan dahil pakiramdam nya ay hindi nya makakaya na mag isa sa tuktok ng tower , 

naaalala nya na nung mahulog si hunter ay hindi naman ito nasalo ng bag , at ang tanging naiangat nya lang ay ang bag at hindi kasama ang kaibigan , 

nakatulugan ni Becky ang pag iyak , hanggang sa habang natutulog sya at makikitang hinang hina na ay may vulture na lumapit sa kanya at inumpisahan na syang papakin , inuna nitong tukain at pag piyestahan ang kanyang sugat sa binti , 

unti unting nagigising si Becky ngunit dahan dahan lang sya sa pagkilos , dinakma nya ang vulture at ito ang kinain nya upang makabawi ng lakas , 

matapos makakuha ng lakas ay bumaba si Becky papunta sa kaibigan na ngayon ay pinagpipiyestahan din ng isa pang vulture , 

naamoy ng vulture ang babae na kumain ng kapwa nya vulture kung kaya nakaramdam ito ng danger at nagpasyang lumipad  papalayo , 

nagpaumanhin si Becky sa labi ng kaibigan at sinabing ipagpatawad nito ang kanyang gagawin , inilagay nya ang kanyang cellphone na may naka antabay na mensahe na pagnakakuha ng signal ay magsi send . inilagay nya ito sa loob ni Hunter at pagkatapos ay inihulog mula sa 2000 feet tall na tower . naging matagumpay ang pag contact ni Becky sa kanyang ama , agad pinuntahan ng ama ng ating bida ang b26 tower , at pagdating dun ng ama ng babae ay naroroon na ang mga kapulisan at ambulansya , 

nakita ng lalaki na may binabalot na ang mga rescue team , nanghina at napaiyak ito sa pag aakalang , si Becky na ang laman niyon , tinawag sya ng kanyang anak na si Becky at agad na niyakap ng ama ang ating bida , dito ay panay paghingi ng tawad ni becky sa kanyang ama , 


nakakalungkot at nakakaiyak ang eksenang ito , 

isang mensahe sa ating mga manonood na , 

ang pagmamahal ng magulang para sa anak ay isang pure and unconditional love , itaboy mo man ng itaboy ng maraming beses ang magulang mo , titiisin nila ang sakit pero never ka nilang iiwanan sa ere , mag cheat man sayo ang boyfriend or girlfriend mo , ang magulang mo , never  as in never mong mararamdamang sasaktan ka katulad ng pananakit ng kalooban na makukuha mo sa kahit sinong mahal mo. 


kaibigan , sana ay nagustuhan mo ang ating kwento ngayon , ang titulo nyan ay Fall 2022 , hanggang sa muli kaibigan ako si Richard Belen ba bye, 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Iron Man 2008 - Tagalog Movie Recap Scripts

 Afghanistan ,  sakay si Tony Stark ng isang Military Mobile upang ihatid ito matapos ang kanilang isinagawang Missile Test,  ang lahat ay n...